Kabadong-kabado ako nang lumapit kami ni Tiya sa reception area. Ayoko sanang lumapit pero wala akong magawa. Hindi naman pwede na dumiretso ako sa gate palabas. Magtataka si Maya at maging si Tiya.
Nanatili ako sa likuran ni Tiya na parang nagtatago at para hindi ako makita ni Jake. Napatingin ako sa paligid at napagtanto ko na siya ang pinagmamasdan ng mga staff na nandoon din. Ang mga babae ay nakangiti at nagbubulungan. Hindi na nakakapagtataka iyon dahil sa angking kagwapohan ni Jake.
Inasahan ko nang malalaman niya kung nasaan ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagdating niya dito ngayon. Akala ko hindi na niya ako susundan dahil may nagawa siyang pagkakamali. May nangyari na sa kanila ng fiancee-to-be niya noong isang gabi pa base na rin sa narinig kong usapan nila ni Jake. Inaasahan kong hindi na siya magpapakita sa akin. Iyon din ang inaasahan ni Mrs. Corpuz na magdadalawang-isip na si Jake na makipag-ayos sa akin.
Nakaramdam ako ng pag-aalala kasi baka alam na ni Mrs. Corp