Pagkatapos kong masend ang mensaheng iyon kay Jake ay mabilis kong pinatay ulit ang cellphone ko dahil alam kong tatawagan niya ako.Akala ko talaga palpak na ang plano ni Mrs. Corpuz pero naging matagumpay pa rin pala iyon. Mangyayari na sa wakas ang gusto niya, ang maghiwalay kami ni Jake.Pero okay lang 'yon, ang mahalaga ay hindi mapapaalis sa trabaho sina Andrea at Joyce. Hindi sila mapapahamak at hindi mahihirapan. Iyon ang prayoridad ko.Okay lang na masaktan ako. Makakamove-on naman siguro ako 'di ba? Sa dami ba naman ng taong nasaktan dahil sa pag-ibig, naipagpatuloy naman nila ang mga buhay nila, 'di ba? Kung kaya nila, kaya ko rin.Marahas kong pinunasan ang mga luha kong sunod-sunod na bumuhos.Siguro nga hindi kami ni Jake ang para sa isa't isa. Hindi kami ang nakatadhana na magsama sa buhay na ito. Baka may iba pa palang lalaki ang nakalaan para sa akin. Iyong lalaki na hindi ako mahihirapan na mahalin siya. Hindi komplikado ang sitwasyon namin at walang hahadlang sa ami
Bakit hindi ko naisip na baka i-track ni Jake ang gps? Naalala ko na nalaman nga niya ang eksaktong lugar kung saan ang lamay ng kaibigan ni Nanay noong nakaraang buwan. Nahanap nga niya ako nang hindi ko sinasabi ang lugar. Ngayon pa kaya? Nagawa na niya ito kaya hindi na nakakapagtataka na nagagawa niya ulit ngayon.Kung iisipin, ngayon pa lang ay palpak na ang plano ng Mommy niyang si Mrs. Corpuz. Hindi ko na magagawa ang gusto niya dahil alam na ng anak niya na umalis akong mag-isa. Hindi na rin ako pwedeng magsinungaling kay Jake at pilitin na maniwala siya na nasa field ako kasi halata na masyado. At kung hindi ko matatagumpayan ito, paano na lang sina Joyce at Andrea? Marahas akong nagpakawala ng isang malalim na hininga.Anong gagawin ko?Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nalilito na ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Napabaling ako sa bahay nang lumabas doon ang aking Tiya. Nagulat ang mukha niya nang makita ako."Mia?!"Ngumiti ako kahit na kumakalabog ang
"Kaya kita paaalisin dahil sa oras na makikipaghiwalay ka na sa anak ko alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Uuwi siya dito para suyuin ka at para magkabalikan kayo. But since nakaalis ka na it will not happen so easily dahil nasa malayo ka which is akala niya ay nasa-field ka. So hindi ka kaagad niya mapupuntahan. Pero alam ko rin na magdadalawang-isip siya na puntahan ka lalo na at for sure in that day ay may nangyari na sa kanila ng kanyang fiancee-to-be."Kapag naririnig ko na ganoon ang mangyayari ay parang sinasaksak ang puso ko."Bukas ka ng umaga aalis. May susundong SUV sa 'yo sa bahay ninyo at iyon ang sasakyan mo paalis. As I have said, I will make this easier for you kaya hindi ka mag-co-commute para hindi ka na ma-hassle. I still have a heart you know? Kahit hindi kita pahihirapan ng husto. Tsaka baka kapag nagcommute ka, may gagawin ka na wala sa plano. Mabuti na 'yong natitingnan ang bawat kilos mo."Tumahan na ako sa pag-iyak at kasalukuyan na akong nakatingin
"Magkano ang perang gusto mo?" nakataas ang kilay ni Mrs. Corpuz nang tanungin niya ako. Napalunok ako at hindi tumugon sa tanong."Sumagot ka!" tumaas na ang boses niya dahilan kung bakit nagdesisyon na akong magsalita."Hindi ko po kailangan ng pera dahil hindi po ako makikipaghiwalay kay Jake..." nanginginig kong sabi.Masama niya akong tinitigan. "Makikipaghiwalay ka dahil inuutos ko," mariin niyang sabi. Umiling ako.Bumuntong-hininga siya na parang naiinip na siya habang kausap ako at gusto na niyang matapos na kami."So magkano nga ang gusto mo?"Hindi ulit ako tumugon."Sumagot ka dahil kakailanganin mo ang pera sa ipapagawa ko sa 'yo."Napaawang ang labi ko.Ano ang ipapagawa niya at kailangan ko ng pera? Nakita niya siguro sa mga mata ko ang kalituhan kaya nagsalita siya ulit."Magpapakalayo ka. Two weeks lang naman. Pagbalik mo siguradong wala na kayo ng anak ko.""Hindi po ako aalis," mahinang sabi ko. "Aalis ka! Sa ayaw at sa gusto mo!"Nagsimulang humapdi ang mga mat
Pagdating namin sa condo ni Jake ay kaagad kaming nagtalik. Wala na kaming sinayang na pagkakataon. Nagyayakapan kaming dalawa ng ilang sandali pagkatapos naming gawin iyon. Pero napabalikwas ako ng bangon nang may biglang tumawag sa aking cellphone. Mabuti na lang at nasa gilid lang din ng kama ni Jake ang bag ko kaya madali kong nahanap ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot ang tumawatag. Nakita ko sa screen na si Nanay iyon."Mia? Ano itong mga pagkain na pinadala ni Jake?" iyon ang bungad niyang tanong sa akin.Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakalimutan ko pa lang itext si Nanay tungkol doon. Nawala na kasi iyon sa isipan ko dahil naituon ko ang atensiyon sa ibang bagay..."Pinadeliver po 'yan ni Jake, Nay." Napalingon ako kay Jake nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa lantad kong baywang."Ha? Bakit daw? Para saan 'to?""Diyan po siya sa bahay kakain ng hapunan mamaya."Bumangon na rin si Jake at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran at marahang hinahali
"OMG, Mia! Ang PDA ninyo ni Sir Jake!" eksaheradang sabi ni Andrea habang nasa magkabilang pisngi niya ang kanyang mga palad."Sorry," mahinang sabi ko. Uminit ang buong mukha ko dahil sa hiya."Nakakainis kayo." Sinimangutan niya ako. "Hindi niyo man lang inisip kung ano ang mararamdaman ng makakakita. Nakakainggit kayo kung alam niyo lang." Malakas siyang tumawa pagkatapos. Lumapit na siya sa akin at niyugyog ako. Napatawa na ako. Si Joyce ay umiiling-iling lang sa naging reaksiyon ni Andrea."May pa gano'n na kayo, ha! Dati smack lang, ngayon torrid na." Napayuko na ako habang natatawa pa rin. Nagtaka ako nang tumigil na si Andrea sa pagyugyog sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita kong nakatingin na siya sa isang kamay ko.Noong mga nagdaang mga buwan ay suot ko ang ibinigay ni Jake sa akin na singsing. Hindi iyon napansin ni Andrea. Ngayon lang niya napagtuonan ng pansin ang daliri ko dahil dalawa na ang suot ko."Totoo nga talaga 'yong sinabi ni Sir Jake sa hall. Niyaya ka n