"I am so sorry, Mia," puno ng pagsusumamo ang boses ni Reena habang magkausap kami. Tinawagan siya ni Jake para patunayan sa akin na wala talagang nangyari sa kanilang dalawa.
"Lasing ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko." dagdag niya.
Magkatabi kaming nakaupo ni Jake sa higaan niya dito sa loob ng kwartong inuukupa niya. Hawak niya ang kamay ko habang kausap ko si Reena. Naka-loud-speaker ang tawag kaya naman naririnig naming dalawa.
"Jake, I am really sorry and thank you din kasi hindi mo ako hinayaan na makagawa ng masama. It was not my intention. Hindi ko sinasadya 'yon." Parang naiiyak na si Reena habang nagsasalita siya. "Actually, nautusan lang ako..."
"What?!" singhal ni Jake.
Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko.
Sasabihin ba niya na si Mrs. Corpuz ang pakana?
"What do you mean na nautusan ka lang?" medyo tumaas na ang boses ni Jake at nakita kong nakakunot na ang noo niya. Akmang babalingan niya ako pero nauna na akong umiwas. Ayokong makita niya sa mga mata ko na ma