Pagbalik namin ni Jake ay siya namang pagbuhos ng ulan. Dahil sa malamig na simoy ng hangin kaya naman nakapagdesisyon kami na maligo sa likod ng room niya kung saan may maliit doon na hot spring. Ekslusibo ito para sa umuukupa ng room at bawat room ay may ganito.Pareho kaming nakalublob ni Jake sa hindi masyadong mainit na tubig. Tanging bra at panty na lang ang suot ko habang siya ay naka-boxer shorts na lang din dahilan kung bakit ramdam ko ang mainit niyang katawan sa aking likuran. Patalikod akong nakakandong sa kanya habang yakap-yakap niya ako sa baywang. Nakaharap kami sa isang maliit na fountain na malapit lamang ng hot spring. Doon ako nakatitig pero wala doon ang isipan ko.Naramdaman ko ang paghalik niya sa nakalantad kong balikat. Tipid akong ngumiti.Kahit naayos na ang problema at dapat ay mapanatag na ako pero hindi ko mapigilan ang mag-alala. Natatakot akong harapin si Mrs. Corpuz. Alam ko kasing magkakaharap kami sa ayaw at sa gusto ko. Siya ang ina ng lalaking m
"I am so sorry, Mia," puno ng pagsusumamo ang boses ni Reena habang magkausap kami. Tinawagan siya ni Jake para patunayan sa akin na wala talagang nangyari sa kanilang dalawa."Lasing ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko." dagdag niya.Magkatabi kaming nakaupo ni Jake sa higaan niya dito sa loob ng kwartong inuukupa niya. Hawak niya ang kamay ko habang kausap ko si Reena. Naka-loud-speaker ang tawag kaya naman naririnig naming dalawa."Jake, I am really sorry and thank you din kasi hindi mo ako hinayaan na makagawa ng masama. It was not my intention. Hindi ko sinasadya 'yon." Parang naiiyak na si Reena habang nagsasalita siya. "Actually, nautusan lang ako...""What?!" singhal ni Jake.Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko. Sasabihin ba niya na si Mrs. Corpuz ang pakana?"What do you mean na nautusan ka lang?" medyo tumaas na ang boses ni Jake at nakita kong nakakunot na ang noo niya. Akmang babalingan niya ako pero nauna na akong umiwas. Ayokong makita niya sa mga mata ko na ma
"Anong ginagawa mo dito?" lakas loob kong tanong. Bago pa siya makalapit sa akin nang husto ay pinalis ko na ang mga luha ko. Alam kong nakita na niya akong umiyak kanina pero kahit na ganoon gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako magpapadala sa emosyon ko."Please, Mia. Let's talk properly.""Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapn.""No. Hindi ako aalis. Mag-uusap tayo." Akmang papasok siya sa loob ng bahay nila Tiya pero natigil siya sa pagpasok nang makita niya akong umatras. "Hiwalay na tayo," mariin kong sabi.Umiling siya. "Hindi tayo naghiwalay. Hindi ako pumayag."May namuo na namang luha sa mga mata ko."May ibang babae ka na sa buhay mo, Jake. Hindi na ako." Sumisikip ang dibdib ko habang sinasabi ko iyon."No! There is no other woman. You are the only one. You are my woman, Mia.""May nangyari na sa inyong dalawa. Narinig ko-""Nothing happened. You just misunderstood it."Umiling ako. "Believed me, Mia. Walang nangyari sa amin ni Reena."Ang sakit isipin na baka
Kabadong-kabado ako nang lumapit kami ni Tiya sa reception area. Ayoko sanang lumapit pero wala akong magawa. Hindi naman pwede na dumiretso ako sa gate palabas. Magtataka si Maya at maging si Tiya.Nanatili ako sa likuran ni Tiya na parang nagtatago at para hindi ako makita ni Jake. Napatingin ako sa paligid at napagtanto ko na siya ang pinagmamasdan ng mga staff na nandoon din. Ang mga babae ay nakangiti at nagbubulungan. Hindi na nakakapagtataka iyon dahil sa angking kagwapohan ni Jake. Inasahan ko nang malalaman niya kung nasaan ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagdating niya dito ngayon. Akala ko hindi na niya ako susundan dahil may nagawa siyang pagkakamali. May nangyari na sa kanila ng fiancee-to-be niya noong isang gabi pa base na rin sa narinig kong usapan nila ni Jake. Inaasahan kong hindi na siya magpapakita sa akin. Iyon din ang inaasahan ni Mrs. Corpuz na magdadalawang-isip na si Jake na makipag-ayos sa akin. Nakaramdam ako ng pag-aalala kasi baka alam na ni Mrs. Corp
Pagkatapos kong masend ang mensaheng iyon kay Jake ay mabilis kong pinatay ulit ang cellphone ko dahil alam kong tatawagan niya ako.Akala ko talaga palpak na ang plano ni Mrs. Corpuz pero naging matagumpay pa rin pala iyon. Mangyayari na sa wakas ang gusto niya, ang maghiwalay kami ni Jake.Pero okay lang 'yon, ang mahalaga ay hindi mapapaalis sa trabaho sina Andrea at Joyce. Hindi sila mapapahamak at hindi mahihirapan. Iyon ang prayoridad ko.Okay lang na masaktan ako. Makakamove-on naman siguro ako 'di ba? Sa dami ba naman ng taong nasaktan dahil sa pag-ibig, naipagpatuloy naman nila ang mga buhay nila, 'di ba? Kung kaya nila, kaya ko rin.Marahas kong pinunasan ang mga luha kong sunod-sunod na bumuhos.Siguro nga hindi kami ni Jake ang para sa isa't isa. Hindi kami ang nakatadhana na magsama sa buhay na ito. Baka may iba pa palang lalaki ang nakalaan para sa akin. Iyong lalaki na hindi ako mahihirapan na mahalin siya. Hindi komplikado ang sitwasyon namin at walang hahadlang sa ami
Bakit hindi ko naisip na baka i-track ni Jake ang gps? Naalala ko na nalaman nga niya ang eksaktong lugar kung saan ang lamay ng kaibigan ni Nanay noong nakaraang buwan. Nahanap nga niya ako nang hindi ko sinasabi ang lugar. Ngayon pa kaya? Nagawa na niya ito kaya hindi na nakakapagtataka na nagagawa niya ulit ngayon.Kung iisipin, ngayon pa lang ay palpak na ang plano ng Mommy niyang si Mrs. Corpuz. Hindi ko na magagawa ang gusto niya dahil alam na ng anak niya na umalis akong mag-isa. Hindi na rin ako pwedeng magsinungaling kay Jake at pilitin na maniwala siya na nasa field ako kasi halata na masyado. At kung hindi ko matatagumpayan ito, paano na lang sina Joyce at Andrea? Marahas akong nagpakawala ng isang malalim na hininga.Anong gagawin ko?Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nalilito na ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Napabaling ako sa bahay nang lumabas doon ang aking Tiya. Nagulat ang mukha niya nang makita ako."Mia?!"Ngumiti ako kahit na kumakalabog ang