Cresenia's POV
Nagdaan ang mga araw na hindi kami maayos ni Adrien. Ganun naman talaga palagi, palaging di maayos. Nagluluto naman ako at hindi pa rin mababago yun, pero simula nung nalaman ko kung anong klaseng tao sila ay madalas ko na nakikita ang mga ka-grupo niya. May isang beses pa nga na dito sila naghaponan sa bahay and as usual ay hindi ako pwede makisabay sa kanila.
There were 10 leaders in Adrien's Mafia Group. Nakilala ko na ang lima, which is sila Range. Habang ang iba naman nakita ko lang pero hindi ko pa kilala. May babae din sa grupo nila, apat na babae sa pagkakatanda ko. They have meetings regarding criminal activities at minsan ay hindi pa kasali sa Mafia world ang pinupuntirya nila.
I deeply sighed and looked at the cars na naka-park sa drive way. I was on the balcony right now, napadaan lang ako dito dahil pababa na sana ako ng mapansin ko ang mga sasakyan sa labas. Na-uuhaw ako paano ako baba nito kung nandito sila? Bibilisan ko nalang ang galaw ko para maka-alis