Jean
Nang mapansin ko na malapit na kami sa bahay nila lolo Francis at lola Sylvia. Nag-text muna ako sa bestfriend kong si Vera. Tinanong ko kung nasa bahay na siya. Iyon kasi ang usapan namin magkikita kami roon.
Ako: bakla? Pumunta ka ba sa bahay ni lola? Malapit na ako nakikita ko na ang mga tanim ni lola na bougainvillea.
Iyon ang nagsisilbing bakod sa bahay ng lolo’t lola ko. Ganito sa barangay namin walang bakod sa mga malawak nilang bakuran. Mga tanim nila sa bakuran ang tanging harang.
Nag-antay ako kung mag-re-reply si Vera. Kung hindi naman iyon busy. Mag-re-reply agad ako niyan. Wala nga siguro ginagawa dahil may reply agad siya sa ‘kin.
Vera: oo ala-sais pa narito na ako. Ako na ang nagluto ng pancit at spaghetti.
Dati pa naman may handa si lola pero sa kalapit bahay lang talaga. Pancit at tinapay solve na. Bahay kasi nila Vera sa kabilang kanto pa. Baka kaya inagahan niya kasi lalakarin pa niya patungo rito. Maaga pa naman kasi alas-otso y medya pa ng umaga.