LOGINKasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
View MoreWARNING!! MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! SPG R-18+
Jean "Saan ka galing kagabi!?" parang kulog ang sigaw ni Kaizer ang sumalubong sa 'kin paglabas ko galing ng CR. Lihim akong nagulat dahil naririto pala si Kaizer. Para bang sadya niya akong inaantay na lumabas ako ng banyo. Salubong ang kilay at naiinip na nakatayo sa gitna ng aming kwarto nakatingin sa pinto ng CR. Kanina pa ba ito dumating? Akala ko nasa office pa ito kasi maaga pa naman oras pa ng trabaho ngayon. "Pupunta akong dining," tugon ko hindi ko siya pinatulan sa patutsada niya sa 'kin. Sanay na ako sa galit at bulyaw ni Kaizer, kapag mayroon akong ginawa na hindi niya nagustuhan. "Tinatanong kita Jean, kung saan ka galing kagabi!?" "Okay fine, sa labas ako galing may katagpo akong lalaki. Ano happy ka na? Itanong mo rin kung sino ang kasama ko hindi mo pa nilubos," pabalang kong sagot sa kaniya. "Nakipagkita ka sa boyfriend mo—" "Puro ka na lang bintang! Oo nga pala. D'yan ka magaling. Kaya nga naging asawa kita. Natangay mo ako rito na parang priso sa mansion mo dahil sa mga mali mong paratang—" "Fucking shit! Ano 'to!?" hindi niya ako pinatapos magsalita dahil may pinakita siya kin. Natigilan ako ng inangat ni Kaizer ang kanang kamay niya. Hindi ko iyon napansin na may hawak pala si Kaizer na mga larawan. Hindi ko pa maayos na nikikita kung anong larawan na iyon. Pero sa paraan ng pagtatanong ni Kaizer, panigurado larawan ko at may kasama ako. Lalaki? Malamang kaya galit na galit ito sa 'kin. "Lakas ng loob mong makipagkita sa lalaki mo huh?" sabi nito't madilim ang mukha pagkatapos ay basta lang inihagis ang hawak na mga larawan kaya nagkalat iyon sa sahig. Wala sana akong pakialam ngunit nakita ko kuha ito kahapon ng makipagkita ako sa ex-boyfriend ko na si Noel. May kasama kami bestfriend ko bakit hindi hagip sa picture. Pambihira siniraan pa ako kung sino mang nagpadala kay Kaizer. Ex ko na lang si Noel, dahil simula ng sapilitan niya akong magpakasal sa kaniya. Pinutol ko na ang ugnayan sa ex ko. Mahal ko ngunit ayaw kong maging unfair kahit ako na lang ang nasasaktan ayos lang. Mali ang iniisip ni Kaizer. Ngunit hindi ko itatama kung anong una n'yang iniisip. Hahayaan kong isipin niya kung ano sa tingin niya ang nasa larawan. "Nakita mo mga picture itatanong mo pa. Anong mayroon sa picture na iyan bakit big deal sa 'yo." "Tang-na! Kasal tayo sa hotel ka nakikipagkita sa lalaki mo!" "Hindi lang siya basta lalaki. Siya ang mahal ko nakalimutan mo ba?" Humakbang ito palapit sa akin nagagalawan ang panga. Galit talaga siya sa akin senyales na naglabasan ang ugat sa braso ni Kaizer. Umatras ako. Inisang hakbang lang ni Kaizer ang pagitan namin. "Bibigyan ko ng leksyon ang lalaki mo. Ano kaya ang magandang gawin? Putulin ang mga paa o mabura sa mundo—" Nagpantig ang tainga ko kaya nagawa ko siyang insultuhin. “I hate you, Kaizer Julian Ezcalante. I will never learn to love you because you are a worthless person. Wala akong ibang nararamdaman dito sa puso ko kung hindi ang pagkamuhi lamang sa ‘yo! Katawan ko lang ang maaangkin mo ngunit hindi ang puso ko!" malakas kong bulyaw sa kaniya. Ngumisi lang ito at lumapit sa 'kin. Umatras ako ganun din si Kaizer. Wala itong kangiti-ngiti sa labi. Napalunok ako dahil bawat atras ko hahakbang naman si Kaizer palapit sa akin. Nakalolokong ngisi ang sumilay sa labi nito ng tumama na ang likuran ko sa naka saradong pinto ng CR. Wala na akong aatrasan. Itinukod niya ang magkabila niyang palad sa magkabila kong ulo. Napagitnaan ako ng magkabila n'yang braso. Hindi ako makalulusot dahil nagmistulang na akong nakakulong sa mga braso niya, ang kaibahan lang ngayon ay hindi siya nakayakap sa akin. Ngunit isang kilos ko lang magkadikit na ang aming katawan. "Tatakas ka ba ulit mmm, honey? Makikipagkita ka ulit sa boyfriend mo? Sinasagad mo ang pasensya ko, misis. Bukas na bukas din babagsak na ang maliit na negosyo ng boyfriend mo," malamig ang boses na bulong niya sa 'kin. Sobrang kumukulo ang dugo ko sa ugali nito. Ubod lakas ko siyang sinampal. Pinagsisihan ko rin ang nagawa ko dahil galit na galit si Kaizer. Nagtatagis ang bangang tinitigan niya ako. Hindi ako nagpakita ng takot sa kaniya. Ipinakita kong matapang ako kahit ang totoo natatakot ako sa mga oras na iyon baka saktan niya ako. Hindi pa naman ako pinagbuhatan ng kamay ni Kaizer. Ayaw ko lang dito sa ugali ng asawa ko. Wala akong kalayaan kumilos. Hindi ako makalabas ng mansyon niya ng walang sandamakmak na bodyguard. Kahit nga magpaalam akong dumalaw sa Lolo at Lola ko hindi ako nito pinapayagan kapag hindi ito kasama. Kapag hindi ko sinunod. Tanggal lahat ang tauhan na nakipagtulungan sa akin para makalabas ako ng bahay niya. "Sino na naman ang mauuto mo na tauhan ko mmm? May tatanggalin ba na naman ako dahil sa katigasan ng ulo mo?" anas nito dumukwang sa 'kin. Hinalikan ang tainga ko pababa sa leeg ko nagtagal doon sinipsip pa ang leeg ko panigurado mag-iiwan iyon ng marka. Hindi lang ako kumilos. Pinakita kong hindi ako apektado sa ginagaw niya. Siniil ako ng halik. Mapagparusang halik pilit along pinatutugon hindi ako kumilos. Tinulak ko ito ng mariin n'yang sinipsip ang labi ko pagkatapos ay kinagat ko iyon kaya binitiwan niya ako. "Dammit!" sinamaan niya ako ng tingin. "Lahat gawin mo na! D'yan ka naman masaya. Go ahead! Ipakita mo sa lahat na maimpluwensya ka kaya gusto mong sumunod lahat ng taong nakapaligid sa 'yo," ngumiti ako sa kaniya. "Kahit anong gawin mo. Si Noel lang ang mamahalin ko....Ay..." napatili ako ng ubod lakas niyang sinuntok ang pinto ng CR. Nanginginig ang labi ko dahil sa takot. Napayuko ako kinagat ko paloob ang buong labi ko dahil kung hindi ko iyon gagawin. Paniguradong bubuhos ang iyak ko sa harapan ni Kaizer. Ayaw kong ipakita rito nasasaktan ako. Kung nagagawa n'yang saktan ang damdamin ko. Sasaktan ko rin siya sa pagiging malamig ko sa kaniya. Inangat ni Kaizer ang baba ko. Nagtama ang mata namin. Hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon. Naitago ko agad ang kanina na muntik kong pag-iyak. "Wala ka ng magagawa dahil akin ka lang, Jean Tejada. Hindi ka pu-pwedeng maagaw ng iba sa 'kin. Asawa kita at mananatiling asawa habangbuhay!" buong diin ang pagkakasabi niya pagkatapos basta lang akong binitiwan. --------------- Hind pa umiinit ang aking pang-upo sa upuan. May malakas na kalampag sa labas ng pinto ang naulinigan ko. Parang gustong gibain ang pintuan namin kung makakatok ang tao sa labas. Siraulong ‘to ah. Sino naman itong herodes na ito’t walang pakialam kung magiba ang pinto sa lakas nitong kumatok. Napilitan akong tumayo upang harapin ang taong nasa labas at ng matanong ko rin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Galit ko pa iyong binuksan. Subalit napalunok ako ng masilayan ko ang mga taong nasa labas. Ganun din ang lalaking nabungaran ko sa pinto. Tila natigilan rin ito ng makita ako. Hindi ko mapangalanan ngunit pinasadahan pa ako nito ako ng tingin na may paghanga sa mata nito. Subalit kay daling magpalit ng emosyon ng kaharap kong lalaki. Ang kanina lang na paghanga nitong tingin ay biglang naging mabangis gustong manakit sa nagbabaga nitong mata. Guwapo sana ang kaharap ko ngayon na lalaki. Mga ganito ang tipo kong lalaki hindi gaano'n kaputi at matangkad. Shit! Nakalimutan kong may boyfriend nga pala ako ano bang ginagawa ko bakit humahanga pa ako sa iba. Guwapo nga kasi ang kaharap ko. Kahit naman siguro sinong babae hahanga rito. Tall dark and handsome na tanging sa TV o magazine lang makikita pero ngayon totoong nakikita ko nakatayo na parang hari sa harapan ko. “Nasaan si Claire?!” bulyaw nito napaigtad ako dahil sa bigla nitong pagsigaw. Naningkit ang mata nito ng mapansin ang reaksyon ko. Parang lalong uminit ang ulo. Humakbang ito palapit sa 'kin at sa takot ko. Mabilis akong umatras kaya napansin kong umigting ang panga nito parang galit sa aking pag-iwas sa kaniya. Sino ba ito bakit galit na galit hinahanap si mama Claire ko. Wait lang….shit! I-ito ba ang tinutukoy ni mama kanina na anak noong sinasabi niyang si Damian? Nanlaki ang mata ko. Ito nga siguro ang sinasabi niyang anak noong Damian kasi hinanap si mama. “Nasaan sabi si Claire?!” muling bulyaw nito kaya na bwisit ako rito. Pangalawa na nitong bulyaw sa akin bibingo na ito. Sinamaan ko ito ng tingin kahit pa nakakatok ito. “Wala siya rito. Bakit mo ba hinahanap ang mama ko!?” galit din ang boses ko na sumagot sa kaniya. Hindi niya ako pinatapos magsalita. Lumingon sa mga kasama sumenyas na pumasok sa loob ng bahay ko. Dito sa mayabang na lalaki ako galit dahil walang pakialam kung nasagi niya ako. Mabuti na lang malakas ang panimbang ko hindi ako natumba. “Teka lang po. Trespassing ang ginagawa mo. Hindi po kita pinahihintulutan pumasok sa bahay ko. Labas nga!” sabi ko pa, sabay tinulak sa balikat nito ngunit nagmistula akong walang lakas hindi lamang ‘to natinag. “Wala akong pakialam sa sinasabi ng anak ng mamatay tao. Wala kang karapatan na pagsabihan ako. Anak ako ng pinatay ng mama mo. Tinanong mo kung sino ako? Kaizer Ezcalante. Hinahanap ko ang mama mong kriminal," “Ano? Gago ka ba? H'wag mong matawag tawag na mamatay tao si mama ko idedemanda kita.” “Nasaan ang mama mo. Ilabas mo ang Ina mo kung ayaw mong pati ikaw ay managot din sa ‘kin,” “Wala nga rito ang hinahanap mo!” sigaw ko na. Dahil balak pa nila puntahan ang mga k’warto.” “Kung wala rito ang mama mo mabuti pa isasama kita para mapilitan siyang lumabas,” wika nito at walang sabi sabi na hinawakan ako sa palapulsuhan ko basta lang akong hinila ni Kaizer palabas ng bahay. Nanlaki ang mata ko ng mayroon pang tatlong lalaki lumapit dito. “Halughugin n'yo ang buong bahay kung totoo ang sinasabi nitong anak ni Claire.” “Yes, boss,” sabay-sabay na sagot sa kaniya ng tatlo. Muli akong hinila. Nagpupumiglas ako. Tinadyakan ko na sa binti walang nangyari naiilagan lang nito. “W-woi ano ba. Bitiwan mo nga ako ano ba nasasaktan ako! Kidnaping itong ginagawa mo p'wede kitang ipakulong—” “Kayo ng ina mo ang ipakukulong ko!” singhal nito sa akin. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Ano ba! bitiwan mo nga ako!” bulyaw ko sa kaniya ngunit bingi lang ito tuloy pa rin akong kinaladkad patungo sa nakaparadang magarang sasakyan. Nang makarating kami sa magara nitong kotse. May lumabas na may-edad na lalaki driver siguro nito. Pinagbuksan kasi kami ng pinto sa passenger seat. “Ano ba saan mo ako dadalhin!?” pilit kong inaalis ang kamay nito sa palapulsuhan ko. Lalong humigpit ang hawak nito kaya napadaing ako sa sakit. Subalit wala itong pakialam kahit nasaktan pa ako. “Pasok sa loob! Mas masasaktan ka pa lalo kung magmamatigas ka. Kaya kung ako sa ‘yo. Maging mabait ka sa ‘kin para maging mabait din ako sa ‘yo.” “E, gago ka pala! Sapilitan mo ako tinatangay magiging mabait pa ako sa ‘yo. Wala akong kasalanan—” “Kasasabi ko lang. Kasalanan ng ina mo, damay ka na. Mabuti pa pumasok ka na sa loob kung ayaw mong ako mismo ang sapilitang tumulak sa ‘yo—” “Damn you!” inapakan ko ang paa mariin itong pumikit. Nasaktan nga siguro. Dumilat ito pabalya akong itinulak sa loob ng kotse. Tang-na buti na lang hindi ako tumama sa sandalan ng upuan napaka demunyo nito. Pumasok agad ito sa loob ng makapasok ako at malakas nitong isinarado ang pinto sa tagiliran niya. Lumingon sa ‘kin. Pinasadahan niya ako ng tingin. Kung p'wede lang ito masugatan sa aking titig ginawa ko na. “Hindi ako naniniwala sa bintang mo sa mama ko. Hindi niya iyon magagawa—” “Of course sasabihin mo iyan dahil ina mo siya.” “Nagkakamli ka lang mister! Please pakawalan mo ako rito.” “Hindi ka makakauwi hangga't 'di lumalabas ang mama mo!” Mariin akong napapikit. Naramdaman ko na lang tumulo na pala ang luha sa aking pisngi. Nag-vibrate ang phone ko. Mabuti na lang nasa bulsa ito ng pants ko ang phone ko kaya dala ko ito ngayon. Mabilis ko iyon hinugot upang silipin kung sinong nag-text. Napangiti ako at tila nagkaroon ng kakampi ng makita kong boyfriend ko ang nag-text. “Babe susunduin kita ng alas-singko. Okay lang ba sa 'yo?” Mabilis akong nag-type ng text. Subalit hindi ko natapos dahil biglang hinablot sa ‘kin nanlaki ang mata ko't nakipagagawan ako sa kaniya. “Akina na iyan! Wala kang karapatan na kunin ang phone ko ibalik mo sabi…” Inilaglag nito ang phone ko sahig ng kotse at pagkatapos inapakan nito.Vera After four years… Apat taon na ang nakalipas mula noong unang beses kong nasilayan si Rizelle, ang munting anghel na lalong nagapasaya sa buhay namin ni Sean. Ngayon, nandito kami muli sa parehong eksena halos kapareho ng apat na taong ang nakalipas. Kaibahan lang, ngayon ay umaga ako nag-la-labor sa pangalawa namin anak. Hindi ko pa masasabi na bunso baka magdagdag pa ng isa o dalawa. Kahit Ilan naman kung iyon ang kaloob sa ‘min. Mamahalin ko at buong puso ko iyon tatanggapin. Nakahawak ako sa tiyan ko dahil panay na ang sakit. Tinawagan ko na sina mama sabi ko sa ospital na kami magkita doon na sila pumunta. Paalis na dapat kami inaantay lang namin sina mommy baka magkasalisi. Pupunta kasi ngayon, dadalaw kay Rizelle. Sabi ko total pupunta ngayon at on the way na. Antayin na lang namin ni Sean. Pero kung ganitong sunod-sunod na ang hilab. Mukhang hindi na kami mag-a-antay sa mommy at daddy ni, Sean. Pinakuha lang ni Sean, ang mga gamit ni Russia Eula, sa k'warto nam
Sean Leon Madaling araw na pero gising pa ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa excitement, hindi ako mapakali o makatulog. Tumabi ako kay Vera sa kama. Nakalipat na kami sa pinagawa kong sariling bahay dalawang buwan na kaming dito nakatira. Dati sa condo ko kami nakatira nang matapos ang bahay na ito agad kaming lumipat. Due date na ni Vera ngayon buwan, inaantay na lang namin dumating ang panganay namin at baby girl iyon. Rizelle Eunice La Torre. Iyan ang naisip na pangalan ni Vera. Whatever it is, as long as my wife gives it, I have no objection to it. Pinagmasdan ko ang bawat paghinga niya. Hinalikan ko ang noo niya. Napahawak ako sa tiyan niya, ramdam ang banayad na galaw ng baby naming si Rizelle, malikot. Napangiti ako. Lahat ng hirap at pagod, parang nawawala tuwing naiisip kong magiging daddy na ako, at ilang araw na lang aantayin. Pero hindi ko maiwasang matakot. Kasi nga sabi nila mahirap manganak ayaw rin ng asawa ko caesarian gusto lang niya ay normal deli
Sean Leon “Boss, tumawag po si Madam Anabel, ni-remind ang dinner mamaya,” saad ng assistant kong si Teddy. Tamad akong sumandal sa swivel chair ko at hinilot ang aking noo. Nakangiti si Teddy, kaya naningkit ang aking mata. “Teddy, is something funny?” asik ko sa kaniya. “Boss, wala naman po. Saglit na tumigil. Bakit hindi mo na lang pagbigyan ang mommy mo? Sabik na iyon na mag-asawa ka. Inaalala lang nila ang tagapagmana mo, baka nga hindi magkaroon kung wala kang seneryosong babae.” “Kung sa babaeng napipisil nila kahit maging matandang binata na ako,” seryoso kong sabi. “Sayang naman ang lahi boss, baka kalawangin ang k*****a mo," biro nito kaya binato ko ng nahawakan kong folder malakas lang humalakhak. “Idiot! Sa spoiled brat na iyon? No way.” Tinatawanan lang ako ni Teddy. Dati pa akong COO siya na ang assistant ko. Si Daddy pa ang tumatayong CEO, assistant ko na si Teddy. Mapagkakatiwalaan ko at masipag din ito sa trabaho. Para ko ng kuya si Teddy, may asawa na ito at d
Vera Dalawang buwang puno ng pag-aantay, pag-aayos ng bawat detalye ng araw na matagal na naming pinangarap. Walang iba kun'di ang church wedding namin ni Sean. Napatili ako habang nakatingin ako sa harapan ng salamin.Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ngayon araw na ang kasal namin. “Ang cute mo po pagmasdan ma'am,” saad ng babaeng nag-a-ayos sa ‘kin. Simpleng ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya at naging tahimik na lang hanggang matapos ang pag-aayos nila sa akin. “Ready ka na ba anak?” tanong ni mama sa ‘kin paglabas ko ng k'warto. Masaya niya akong pinasadahan ng tingin. “Lalo kang gumanda at ang wedding dress mo bagay na bagay sa ‘yo hindi halata ang malaki mo ng sinapupunan,” aniya habang hinahaplos ang balikat ko. Napangiti ako at pinatong ko ang palad sa tiyan ko at marahan iyon hinaplos. Humagikhik kami pareho ni mama ng gumalaw iyon. “Excited din siya sa kasal ng mommy at daddy niya,” bulong ni mama. “Tara na po baka kabado na po nag-aantay si Sean,” niyaya ko
Vera “Sean anong kabastusan ito?!” galit na galit ang dad ni, Alma. “Malaki po ang paggalang ko sa inyo pero hindi po ako papayag na makasal sa anak niyo.” “Nasisiraan ka na ba ng bait? Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko! Hindi ka kilalanin na ama ng apo ko.” “Hindi naman po talaga ako ang ama n'yang apo mo. Maayos n'yo po ba kinausap si Alma? Binayaran niya ang gumawa ng DNA test para lang masabi na positive?” “No! Dad, hindi po ‘yan totoo. Si Sean po and ama ng anak ko,” “Gusto mo ba talaga sabihin ngayon kung sino? Don't push me, Alma; if you keep demanding what you want, perhaps even your parents will feel ashamed.” Gusto kong tumawa dahil namutla si Alma. Madlim ang mukha ng daddy nito pinagmasdan si Alma. Ngunit nagmatigas pa rin si Alma, parang saglit lang na kinabahan ngayon ay balik na naman ang ginigiit nito. Sino nga kaya ang ama ng pinagbubuntis nito. Para kasi nga kanina ay namutla si Alam. Mamaya ko malalaman dahil sasabihin tiyak ni Sean sa akin. “O
Vera “Anak, tawagan mo agad ako kung may problema roon," bilin ni mama sa ‘kin habang inaantay ko si Sean. “Sa totoo lang po natatakot po ako mama,” pag-amin ko. Ngumiti si mama at inayos ang buhok ko kahit na maayos naman naka isahang tali sa likuran ko pero inayos pa rin niya. “May tiwala ako kay Sean,” wika niya kaya nabawasan ang aking kaba. Kung hindi lang ako magiging advance mag-isip. Parang may sekreto si Sean, at sina Mama at Victor lang ang sinabihan niya. Five minutes lang ako nag-antay dumating din agad si Sean. Kay pogi nito sa suot na black tuxedo. Para kaming ikakasal kasi naka puti rin akong dress, at siya ang bumili nito dinala kahapon ng Mommy Anabel at Daddy Kenneth. Nakakatuwa nga suportado nila si Sean, ako ang gusto nila para sa anak nila at proud ako roon, imbis na si Alma ako ang gusto nila para kay Sean, kahit na engagement nila ngayon ni Alma at ni Sean. “Tita Maricel, lalakad na po kami,” “Magi-ingat kayo hijo,” tugon ni mama. “Relax! Hindi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments