Jean
Umupo ako sa tabi ni Vera at in-on ang TV. Nag-text ako kay ate Ronna. Dahil walang reply, tumawag na lang ako.
“Girl baka matagal pa itong ulan,” saad ni Vera sa akin habang inaantay kong sagutin ni ate Ronna ang tawag ko sa kaniya.
Gano'n din ang tingin ko kasi nga sobrang dilim ng langit at malakas pa rin ang buhos ng ulan. Napag-usapan pa lang namin ni lola kanina na tag-ulan na. Hindi man lamang ngayon pinalampas na birthday n'ya talagang umulan pa rin.
“Ihahatid ka na lang namin mamaya kapag maulan pa,” tugon ko sa kaniya. Buwan naman talaga ngayon ng tag-ulan asahan talaga bigla na lang bubuhos kahit maganda ang panahon sa umaga.
Sumagot si ate Ronna sa akin kaya sumenyas ako kay Vera kakausapin ko na muna.
“Hello, ate Ronna. Kumusta kayo r’yan. Ang lakas ng ulan kawawa naman ang mga bisita ni lola inabutan sa labas. Hindi naman ba kayo nabasa, ate?” tanong ko.
“Okay lang naman ma'am. Ito nga lahat kami nasa loob na ng bahay. Nagmistulang sardinas dahil siksi