Si Jal, naiwan sa gilid ng parking lot, hawak ang mga susi—pero hindi alam kung saan siya dapat lumiko.
Habang naglalaro ang mga bata sa malawak na garden, naroon si Cherry, nakangiti, pilit binubura ang lungkot sa mga mata habang nagbabantay kay Miguel at sa triplets.
Sa hindi kalayuan, nakaupo si Prescilla sa hardin bench, yakap ang sariling katawan. Tahimik siyang umiiyak, pilit kinakain ang hikbi. Tumutulo lang ang luha, walang tunog—pero sapat na para basain ang tela ng suot niyang blouse. Wala siyang ibang pinakikinggan kundi ang kalabog ng puso niyang sugatan.
Isang marahang yabag ang lumapit.
"Prescilla?"
Napalingon siya. Si Madam Luisa. Elegante, tahimik, pero matalim ang mga mata. Sa unang tingin pa lang, alam mong hindi ito ordinaryong biyenan—isa siyang babaeng sanay sa laban.
Nanatili si Prescilla sa pagkakayuko. Pinunasan ang luha, pilit ngumiti.
“Pasensya na po… hindi ko kayo napansin.”
Tahimik na umupo si Madam Luisa sa tabi niya. Sinulyapan si Cherry na masayang nagta