Simula nang mabigo ang unang plano ng divorce, naging bilanggo na si Margaret sa sarili niyang buhay.
Hindi lang basta binabantayan, kundi nakakulong.
Oo, dahil sa pamilya niya at sa surveillance ng mga tao ni Xander, pero meron pang mas malupit na dahilan kung bakit hindi siya makaalis.
Kinuha lahat ng mahahalagang dokumento niya.
Household registration, ID, passport, at lahat-lahat. As in wala siyang pagkakakilanlan kung magtatangkang tumakas.
Pero ngayong nasa ospital si Xander at may inaasikaso si Cassandra, baka ito na ang perfect chance niya para sumugod sa Villa at hanapin ang mga dokumentong iyon.
Kailangan niya ‘yun. Kahit pa may backup sina Shaina at Knight, kung wala siyang pagkakakilanlan, paralisado pa rin siya.
Nang sumulpot sa isip niya ang ideyang iyon, biglang nabuhay ang apoy ng pag-asa.
Pero teka, paano siya lalabas sa lumang bahay nang hindi halata?
Habang iniisip pa niya ang excuse, biglang may gumalaw sa paligid, ang pamilya Brown ay pa