"Bianca... what did you do to Rosabel?" nag-aalalang tanong ni Mia sa kanya.
"Wala lang naman... binigay ko lang ang nararapat na parusa sa kanya sa pag-agaw niya sa akin kay Gray."
"What did you do? Kapag nalaman ito ni Gray ay siguradong patay tayo! Baka ma-expel tayo..." si Madison naman ang nagsalita.
"Wala siyang ebidensya, malinis ang pagtrabaho ko." sagot nya
"Basta wala kaming alam sa ginawa mo, Bianca. Ayaw naming ma-expel sa school! dagdag pa ni Madison
"Matatakotin pala kayo eh!" sigaw niya sa mga ito.
Lalong nanginig ang mga kaibigan niya nang makasalubong nila si Gray... agad niya itong tinawag.
"Gray! Saan ka pupunta?"
"I'm looking for Rosabel... Nakita niyo ba siya?"
"Si Rosabel? Ah yeah, nakita ko siya kanina sa parking, may kasamang tatlong lalaki at umalis na sila." pagsisinungaling nya
"Huh? Sino ‘yung mga lalaking ‘yon?"
"I-I don’t know... ‘di ko kilala eh."
Nakita niyang tumigas ang panga ni Gray sa narinig at agad na tinalikuran sila.
*****************
GRAY’S POV