Chapter seventy one
LANCE
Naninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.
Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.
Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.
Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.
Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.
Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at