Habang nasa byahe kami, hindi ko talaga maiwasang titigan ang paligid mula sa bintana ng sasakyan. Para akong bata na ngayon lang nakakita ng tunay na snow. Ang ganda talaga ng Korea. Parang nasa pelikula lang ako—puting-puti ang paligid, may mga Christmas lights pa sa gilid ng daan, ramdam mo na talaga na malapit na ang Pasko. Ang bawat liko ng sasakyan ay parang eksena sa isang romantic drama.
“Denver, malayo pa ba ‘yung condominium mo?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa labas.
“We need to stop by Hyundai Seoul first,” sagot niya.
Napalingon ako sa kaniya, kunot-noo. “Ano ‘yon?”
“It’s a mall. Don’t worry, it’s close by. We just need to buy some warm clothes,” nakangiti niyang tugon.
“Ganoon ba…” tango ko, sabay balik ng tingin sa labas.
Tahimik muna kami pareho habang umaandar ang sasakyan. Hindi awkward ha—kumbaga, komportableng katahimikan. Naramdaman ko lang na napapangiti ako sa sarili kong damdamin. May something sa presensiya ni Denver na nagbibigay ng hindi ko maipaliwanag