Synopsis Si Sienna ay napilitang sumang-ayon sa isang kontrata ng kasal kay Denver Thompson, isang bilyonaryo at CEO ng Thompson Corporation, kapalit ang malaking halaga para sa gastusin ng kanyang mama at kuya. Dahil sa malalang aksindente at wala siyang malaking halaga ng pera. Ang kontrata ay may dalawang taong tagal. Bago nito, si Sienna ay nagtrabaho bilang sekretarya ni Denver ngunit umalis siya nang malaman niya na si Denver ang dahilan sa pagkamatay ng kanyang pangalawang kuya. Alam na sa sarili ni Denver na mahal na niya si Sienna unang kita pa lang niya sa dalaga. Ngunit ayaw na ng dalaga magmahal dahil sa naranasan niya sa ex-boyfriend. Nang sumang-ayon si Sienna sa kasunduang kasal ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Denver lalong lalo na fiancée at ang pamilya nito. Habang tumatagal na magkasama ang dalawa ay unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata, na halos makalimutan na niya ang kasalanan na ginawa nito sa kaniyang kuya, halos naibigay na niya ang sarili niya sa binata at nabuo ang munting sanggol. Ngunit sa isang aksidente na nagdulot sa lalaki ng pagkakaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng 7 taon. Si Denver na isang maginoo, mabait at makulit kay Sienna, na babalik sa kaniyang dating masamang ugali, na siyang gagamitin ng ex fiancée niya upang bumalik sa kaniya. Maibabalik pa ba kaya ni Sienna ang pagmamahalan at alala na binuo nila ni Denver ng magkasama? Kakayanin kaya no Sienna ang mga hamon na kakaharapin niya? Ibabalik pa ba niya ang lalaking minahal kung ang makakalaban niya ang ama ni Denver na hindi siya tanggap bilang daughter-in-law at mga iba pang hamon?
View More★ Denver’s POV ★I could still hear the echo of the door closing. Parang may naiwan na bigat sa dibdib ko, na hindi ko maipaliwanag. The image of that woman outside—her trembling voice, her teary eyes—kept flashing in my mind. Hindi ko siya kilala… at least that’s what my memory insists. Pero bakit ganoon? Bakit parang ako ang nagkasala sa kaniya?Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. Why do I feel guilty? Why does it hurt?Sa gilid ko, naroon si Lisha. Nakaupo siya sa chair, peeling an apple with slow, precise movements. Parang walang nangyari, parang wala siyang pakialam sa lahat ng emosyon na sumabog kanina sa dito sa loob ng kwarto.“Eat some fruit, Denver,” she said calmly, placing a slice on a plate beside my bed.I glanced at her, then back at the window.“Thank you.”Tahimik. Tanging tunog lang ng monitor at mahihinang galaw ng kutsilyo ang maririnig. Pero sa loob ko, nangangalit ang tanong. Hindi ako mapakali. Hindi sapat ang katahimikan.Finally, I asked, “Lisha… they told me w
★ Sienna’s POV ★Mahigpit pa rin ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Denver. Ang pintuan ay muling sumara sa likod ko, naiwan doon si Lisha na nagbabalat ng prutas at si Denver na halos hindi man lang ako pinaniniwalaan at nilingon. Parang hinila pababa ang buong mundo ko kanina, lalo na’t pinaaalis ako mismo ng taong pinagkakatiwalaan ko, ng taong mahal ko—pero ano nga ba ang laban ko?“Sienna, huminahon ka na muna,” malumanay na utos sa akin ni Mav.“Paano ako hihinahon kung kasama ngayon ni Denver ang babaeng iyon! Mav, may alam ka ba sa nangyayari?”“Sienna… sumama ka na muna sa akin, ipapaliwanag ko lahat ng gusto mong malaman.”Hindi kaagad ako nakapagsalita, iniisip ko pa rin ang mga nasaksihan ko kanina. Lahat ng alaala namin ni Denver ay nabura na sa kaniyang isipan. Paano na ako? Paano na kami ng anak namin?“Halika, kung nais mong malaman lahat,” saad ni Mav at nagsimula nang maglakad.Saglit ko siyang tinitigan. Tama, hindi ako da
★ Sienna’s POV ★Dalawang araw na akong nakakulong sa loob ng bahay, nagpapahinga gaya ng payo ng lahat. Ngunit sa bawat oras na lumilipas, lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako mapalagay. Kahit anong gawin kong libangan, kahit anong kwento nina Maria, Cara, Luisa at Manang, kahit pa ang pag-aalaga ng Mama ko—wala pa ring saysay. Palagi at palaging bumabalik ang isip ko kay Denver.Kaya ngayong umaga, habang malamig pa ang hangin at tahimik pa ang paligid, nagpasya akong mag-ayos.Nakaharap ako sa salamin ng aking kwarto. Maputla pa rin ang mukha ko, ngunit hindi ko iyon alintana. Maingat kong sinuklayan ang buhok ko, pinipilit na itago ang panghihina sa pamamagitan ng kaunting ayos. Isinuot ko ang simpleng bestida na maluwag at kumportable, para hindi rin mahirapan ang katawan ko. Habang inaayos ko ang sarili, hindi ko mapigilang isipin—handa na ba talaga ako?“Ma’am Sienna, sigurado ka ba talaga? Hindi ba mas mabuting magpahinga ka na lang muna dito?” malumanay na tanong ni M
★ Sienna’s POV ★Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Mabilis kong binayaran ang driver at agad na bumaba. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, para bang may malaking bagay na nakadagan sa akin. Simula nang huli kaming mag-usap ni Denver, hindi ako mapakali. Hindi ko na kayang maghintay pa. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong subukan ulit—kahit isang beses pa lang—baka sakaling maalala niya ako.Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa matataas na gusali ng ospital. Sa bawat hakbang ko palapit sa main entrance, ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinipilit kong tibayan ang loob ko, kahit alam kong may posibilidad na muli akong masaktan kapag wala pa rin siyang naaalala.Paglapit ko sa sliding door ng hospital, bigla akong napatigil nang may bumungad sa akin. Si Xandro.“Sienna?” agad niyang sambit nang makita ako. Kita ko ang gulat sa mukha niya habang nagmamadaling lumapit. “What are you doing here? Shouldn’t you be resting?”Bahagya akong napalunok. Hindi ko a
Tahimik akong nakatayo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang anak ko na nakasandal pa rin sa malambot na unan. Kahit may bahid pa rin ng pagkalito sa mga mata niya, hindi ko maikakaila na bumalik ang ilang sigla sa boses niya matapos ang mahaba naming pag-uusap kanina. Ngunit ngayon, kailangan ko munang magpaalam—dahil may mga bagay akong kailangang ayusin, mga plano na dapat nang isulong habang hawak ko pa ang sitwasyon.Huminga ako nang malalim bago magsalita.“Denver,” maingat kong sabi, mahina ngunit malinaw.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin, mga mata niyang nananatiling kalmado pero may bahid ng pagtataka. “Yes, Dad?”“May kailangan lang akong gawin sa labas. Some business matters,” sabi ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. Ayokong maghinala siya. “Magpahinga ka lang muna dito, ha. I’ll be back soon.”Sandali siyang nag-isip, bago bahagyang tumango. “Alright. Don’t worry about me. I’ll stay here.”Tumango ako pabalik, pinilit ngumiti kahit na may bahagyang b
★ Denmar’s POV ★Tahimik ang silid matapos lumabas si Xandro. Tanging tunog ng aircon at mahinang beep ng monitor ang sumasabay sa mabagal na paghinga ng anak ko. Ang katahimikan na iyon ay musika sa pandinig ko—isang senyas na sa wakas, kaming dalawa na lang ang natira, walang makikialam. Sa wakas, makakausap ko siya nang walang sagabal.Nakatayo ako sa tabi ng kama, pinagmasdan ko siya. Ang Denver na nasa harap ko ngayon ay hindi ang parehong Denver na lagi kong nakikita noon—matapang, palaban, laging may tinig na kumokontra sa akin. Hindi. Ang nakaupo ngayon ay isang taong may puwang sa isip, may butas sa alaala. Nasisiguraduhin kong hindi na maibabalik.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang kalituhan, ang kawalan ng katiyakan, at higit sa lahat—takot. Ilang segundong nanahimik bago siya nagsalita, ang boses niya’y mahina ngunit malinaw.“Dad… tell me, the one I hit. What happened to him? Is he alive?”Hindi ko inaasahan na itatanong niyang mu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments