PIGIL naman ni Darren ang sarili niya na sumabog dahil sa matinding galit? Ano ba ang gustong palabasin nitong si Zakari? Bakit parang hindi niya na kayang pagkatiwalaan pa ang kaibigan niiya?
"Can I talk to you, Bro?" seryosong tanong ni Darren kay Zakari. Pigil niya din ang sarili niya na sugurin ang kaibigan. Nagdidilim na din yata ang paningin niya dahil sa matinding selos na nararamdaman.
Paano ba naman kasi, imbes na masaya siya sa naging desisyon niya na si Zakari muna ang kikilalaning boyfriend ni Vanilla habang may amnesia pa ito, iba naman kasi ang nangyayari ngayun. Hindi siya masaya at natatakot siya na baka inaagaw na ng kaibigan niya ang kanyang nobya.
"Sure. Tungkol saan? Pwede mong sabihin ngayun--" sagot naman ni Zakari sa kaibigan.
"Outside. Gusto kitang makausap na tayo lang." seryosong sagot ni Darren sa kaibigan.
Hindi naman mapigilan ni Vanilla na makaramdam ng pag-aalala. Bakit sa labas pa? HIndi kaya, biglang nagising ang manlulukong Darren na ito na