"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
Lihat lebih banyakSa isang mamahaling coffee shop, kaharap ni Vanilla ang Ina ng nobyo niyang si Darren na noon ay kitang kita sa matapobre nitong mukha ang pagkadisgusto sa kanya.
"Limang milyon, layuan mo ang anak ko." walang paligoy-ligoy nitong wika. HIndi naman maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya ni Vanilla. Hindi niya na din kasi mabilang kung ilang beses na siyang inofferan ng Ina ng boyfriend niyang si Darren ng pera para lang makipaghiwalay dito "Hindi ko po magagawa iyan, Madam! Nagmamahalan po kami ng anak niyo at hindi ko po kayang ipagpalit siya sa pera." buong pagpapakumbaba na sagot naman kaagad niya sa hilaw niyang manugang. "Then, six million...." nakataas ang kilay na muling wika ng Ginang. Muling umiling si Vanilla. Hindi kayang tumbasan ng pera ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanyang nobyo. "Seven million!" muling wika ng Ginang. Pataas nang pataas ang offer nito pero tanging pag-iling parati ang tugon ni Vanilla "Ipaglalaban ko po ang nararamdaman ko para sa anak niyo, Madam. Sorry po..." sagot niya din naman kaagad. "Okay, last offer. Ten Million...ten million, lubayan mo siya. Lubayan mo ang unico iho ko dahil kahit na ano ang gawin mo, hindi ako papayag na ikaw ang magiging asawa niya. Nakatakda na siyang magpakasal sa babaeng gusto namin. isang babae na may maipagmamalaki at ka-level namin sa lipunan. Hindi kagaya mo na isang hampas lupa!" seryosong wika ng ginang. Ni hindi man lang nito naisip na posibleng masaktan si Vanilla sa sinabi niya ngayun lang. "Sorry po. Hanga't kailangan po ako ni Darren, hindi ko po siya hihiwalayan. Sa inyo na po ang pera dahil hindi ko iyan kailangan." seryosong sagot naman ni Vanilla dito Masakit para sa kanya na makita na ganito na pala kababa ang tingin sa kanya ng Ina ni Darren pero wala siyang magagawa. Isa lamang siyang babae na galing sa mahirap na pamilya at gumagawa ng paraan para makaangat sa buhay. Kasalukuyan siyang nagta-trabaho sa isang government office bilang isang auditor at ang ganitong offer ng ginang sa kanya ay labis na nagpadurog sa puso niya. "Hmmm , masyadong matigas nag ulo mo, babae. Well, kung ayaw mo talaga...wala akong magagawa. Pero ito lang ang tandaan mo, never ka naming matatangap sa pamilya namin." nanlilisik ang mga matang wika nito. Kaagad namang nagbaba ng tingin si Vanilla dahil feeling niya sobrang liit ng tingin sa kanya ng mismong Ina ng nobyo niya. "Sorry po. Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako." mahinang sagot ni Vanilla sa kaharap niya. Pagkatapos noon, tinitigan niya muna ang walang bawas na kape na inorder kanina ng ginang para sa kanya. Sino ba naman kasi ang gaganahan na mag-kape kung ganito kagaspang ang ugali ng taong kaharap mo. "Okay, alam kong masyado ka pang emosyonal ngayun pero kung sakaling magbago ang isip mo, huwag kang mag-atubili na lumapit sa akin para kunin ang sampung million. Willing pa rin akong ibigay sa iyo iyun basta lumayo ka sa anak ko." seryosong wika ng Ginang at walang pag-aalinlangan na mabilis itong tumayo. Parang reyna na naglakad ito palabas ng coffee shop. Taas noo, sopistikada at unang tingin pa lang, halata talagang nakakaangat ito sa buhay. Samantalang hindi naman nagawa pa ni Vanilla na tumayo para umalis na. Ramdam niya kasi ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa matinding emosyon. Nagbabadya din ang luha sa kanyang mga mata at kung hindi lang nakakahiya, baka kanina pa siya umiyak. Kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa para tawagan ang kanyang nobyo. May usapan sila na magkikita sila dahil isasama siya nitoo sa birthday party ng abuelo nito pero parang gusto nang magbago ang isip niya ngayun. Feeling kasi niya hindi siya welcome doon lalo na at nagpahayag na ang Ina nito na hindi nga siya gusto. "Hey...babe. Napatawag ka?" nakailang ring pa lang, sumagot naman kaagad si Darren. "Darren, saan ka ngayun? Teka lang, bakit ganiyan ang boses mo?" seryosong tanong naman ni Vanilla sa boyfriend niya. "Ha? A-anong ibig mong sabhin, Babe?" "Darren, parang boses kakagising mo lang kasi eh. Nasa opisina ka ba? Dadaan ako diyan ngayun. May importante kasi akong sasabihin sa iyo eh."" seryosong wika ni Vanilla sa kanyang nobyo. Kaya lang mas lalo siyang nagtaka dahil mabilis siyang pinigilan ni Darren. Halata sa boses nito ang pagpa--panic. "NO! No, Babe!! It's okay! Mamaya, susunduin na nalang kita sa apartment mo para maisama kita sa kaarawan ng Lolo ko." nakangiting sagot nito "Pero, Darren. Iyan nga ang dahilan kaya ako tumawag sa iyo eh. Nagbago na ang isip ko. Hindi na--" naputol ang sasabihin ni Vanilla kasabay ng pagkunot ng kanyang noo sa matinding pagtataka nang marinig niya na para bang umuungol si Darren. "Ahhhhhh!" 'Darren, sure ka ba na ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Vanilla sa nobyo niya pero ganoon na lang ang pagkadismaya nya dahil tuluyan nang naputol ang tawag. Tinawagan niya ulit ang nobyo niya pero hindi na ito sumasagot. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala kaya isang pasya ang nabuo sa isipan niya. Pupuntahan niya ang nobyo niya sa opisina nito. Nag-aalala kasi siya eh. Kakaiba kasi ang ungol nang boyfriend niya at baka kung ano na ang nangyayari dito ngayun.HINDI alam ni Vanilla kung napansin pa ni Janna ang presensya nilang dalawa ni Zakari dito sa mismong coffee shop dahil mabilis na din umalis ang mga ito. Pero bago umalis ang dalawa, nahuli niya pang napatitig si Darren sa kinaroroonan nilang dalawa ni Zakari at ngumiti pa nga. Sa totoo lang, gusto niyang kumprontahin si Darren. Gusto niya itong pagsabihin na sana huwag nitong saktan si Janna. Na sana mahalin nito ang kaibigan niya dahil parang kapatid na ang turing niya dito. Kaya lang, paano niya magagawa iyun kung tuluyan nang naglakad paalis ang dalawa. Magka holding hands pa nga eh! Siguro, kakausapin niya na lang si Janna ng masinsinan sa mga susunod na araw. kailangan niya itong balaan. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Darren pa ito na-inloved gayung sa naalala niya, hate na hate nito si Darren noon pa. Nanatili pa silang dalawa ni Zakari ng halos tatlumpong minuto bago ito nagpayayang umuwi na. Muli nilang binalikan ang mga anak nila sa playground kung saan naabu
Tinupad ni Zakari ang sinabi nitong after ng trabaho nito sa opisina, ipapasyal sila nito sa mall. Of course, walang ibang mas masaya kundi ang mga anak nila. Hindi naubos-ubusan ng energy at palaging excited ang mga bata. Si Zakari naman todo alalay sa kanya. Kung anu-ano na naman ang mga binili para sa kanya. Mga alahas, mamahaling bags at kung anu-ano pa. kahit na ano ang pagtanggi niyang ginawa, ayaw talagang paawat kaya naman hinayaan niya na. Ganito naman talaga si Zakari noon pa eh. Mahilig talaga itong bilihan siya ng mga mamahaling bagay. Ewan, paraan yata nito para ipakita kung gaano siya nito kamahal. Sweet pero masyadong expensive. “Ang mga bata? Are you sure, ayos lang sila doon?” hindi niya pa nga maiwasang tanong kay Zakari. Basta na lang kasi nilang iniwan ang mga bata sa isang playground. May mga nakabantay naman sa mga ito. Si yaya Melai pati na din tatlong mga bodyguards kasama na si Dark pero hindi pa rin siya mapalagay. Nanay siya at hangat maari, ayaw niyan
Hindi mapigilan ni Zakari na maikuyom ang kanyang kamao. Isa-isa niyang tinitigan ang mga taong nasa paligid niya na noon ay hindi makatingin ng direcho sa kanya. “Dark, get rid of all the people who were involved in humiliating my wife.” Seryoso at may halong galit sa boses na wika ni Zakari. Kaagad namang tumango si Dark. Kilala niya ang amo niya at kapag sinabi nito, kailangan niya talagang gawin ng malinis. Lalo na at sa pagkakataon na ito, sangkot na ang babaeng laman ng puso nito pati na din ang mga anak na magiging future ng mga del Rio “Masusunod po, Boss! Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala.” sagot naman kaagad ni Dark. Napatitig si Zakari sa tatlong bata. Gusto niyang sa harapan mismo ni Vanilla kasituguhin at parusahan ang sangkot sa pamamahiya at pagpapahirap dito kani-kanina lang. Kaya lang, may mga batang nakatingin at ayaw niyang makita ng mga bata ang marahas niyang pag-uugali. Ayaw niyang maging marahas sa harapan ng mga anak niya kaya gustuhin niya m
VANILLA “Mam, sumunod na lang po kayo sa protocol ng kumpanya. Lumabas na po kayo. Hindi po kayo haharapin ng taong hinihanap niyo dahil hindi po kayo kilala noon.” Wika ng isa sa mga gwardiya na tinawag nitong si Nina at Al. Ang mga walang modong receptionist aY talagang ginawa nga ng mga ito ang banta sa kanya kanina na tatawag daw ng gwaridya para masipa daw sila palabas ng building na ito. "Haharapin niya ako dahil ako ang girlfriend niya. Ang mga iyan ang hindi ginagawa ang trabaho nila. Inutusan ko silang tumawag sa office ni Zakari pero hindi nila ginawa and now, gusto niyo kaming palabasin? Naghahanap ba talaga kayo ng gulo?" galit niyang tanong sa mga ito. Tuluyan nang naubos ang pasensya niya. Ayos lang naman kung siya lang ang bastosin ng ganito eh pero for God sake, kasama niya ang mga anak niya! “Mommy, what’s wrong? Ayaw ba tayong makita ni Daddy?” nagtatakan tanong ni Nathan. “NO! Daddy told me na pwede natin gawin lahat ng gusto natin. What are you doing guys?
VANILLA ”You are not allowed to go up to Sir Zakari's office unless you have an appointment.” Wika sa kanya ng isa sa mga receptionist kaya naman hindi maiwasan na makaramdam ng pagkayamot ni Vanilla. Gusto pa naman sana niyang isurpresa si Zakari pero mukhang hindi yata sila papapasukin eh. Haysst, sayang naman ang effort na ibinigay niya ngayung araw. Naghanda pa naman siya.. Napaganda din siya at siyempre, excited ang mga anak niya na makapunta sa office ng Daddy nila. Well, hindi nga pala sila kilala ng mga empleyado ni Zakari. First time niyang pumunta kaya naman mahirap talagang makipagsapalaran. May rules silang sinunod at dahil hindi alam ng mga ito kung sino sila sa buhay ni Zakari, talagang hindi siguro sila papapasukin. “Ano kaya ang kailangan niya kay Mr. Del Rio? May mga kasama pa talaga siyang mga bata. Baka naman magso-solicitate?” harap-harapan na wika ng isa sa kanila na para bang hindi siya kaharap ng mga ito. Tinitigan pa ng mga ito ang tatlong bata na noon
“Teka lang! Teka lang! Nagtatalo na kayo oh. Ano ang nangyari mga friends?” tanong niya sa mga ito “Ang mahirap kasi sa iyo Devi, wala namang ginagawa sa iyo si Darren kung anu-anong mga masasamang salita ang ibinabato mo don sa tao.” Hindi pa rin yata tapos si Janna kaya naman yamot na din nitong tinitigan ni Devi. “Magsabi ka nga ng totoo, Janna. May gusto ka ba sa Darren na iyun? Where here para magbonding hindi para uminit ang ulo mo dahil hindi ka pabor sa sinasabi ko tungkol doon sa tao.” tanong ni Devi na halata na din ang inis sa boses. " Hmmp, Vanilla sorry but I have to go! Walang magandang patutunguhan ang bonding nating ito kaya mauna na ako.” Wika ni Janna at padabog pa itong tumayo. Tinitigan ng masama si Devi bago mabilis na naglakad paalis. Hindi naman siya makanapaniwala. Imbes kasi na sagutin ni Janna ang sinabi ni Devi, nagwalk-out ito? “Wait, ano ang nangyari doon? Devi, sabihin mo nga sa akin…hindi ba kayo okay ni Janna?” nagtatakang tanong niya. Five ye
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen