CHERRY
“Dra. Cherry, mag-lu-lunch na wala pa si Leo,” sabi ni Gelene. Bitbit niya ang lunch box niya.
Napatingin ako sa wall clock. Ako man ay nagtataka rin. Dapat kanina pa ay hinatid na niya ang lunch ko. Pero wala.
“Hihintayin mo ba, o sasama ka na lang sa akin sa canteen?”
Tumayo ako. “Tatawagan ko muna…baka may nangyari do’n…”
Tumango-tango si Gelene. Sabay kaming lumabas ng clinic. Siya pupunta sa canteen, at ako ay pupunta sa labas. Baka nasa kotse lang si Leo.
Habang naglalakad ay tinawagan ko siya. Pero hindi siya sumasagot.
Dismaya akong napabuga ng hangin nang marating ko ang parking area. Wala kasi si Leo. Wala rin ang kotse.
Kumabog ang puso ko. Ngayon lang nangyari na umalis siya na hindi nagpapaalam.
Muli akong tumingin sa cell phone. Tatawagan ko si Reynan. Baka may inutos siya kay Leo.
“Cherry!” Napaigtad ako. Nabitiwan ang cell phone nang marinig ang boses na ‘yon. Si George.
Dahan-dahan akong lumingon. Matalim ang pagkakatitig ko sa kanya. Bin-block