Gumuho ang mundo ni Cherry Villafuerte sa paulit-ulit at harap-harapang pagtataksil ng kanyang nobyo. Dahil sa pagkabigo, parang nawalan ng direksyon ang buhay niya, at napilitang mag-leave sa trabaho. Ngunit sa kanyang pagkalugmok, isang lalaki ang biglang pumasok sa buhay niya—si Reynan Cuevas, ang dating masungit at suplado niyang pasyente, siya ang tila naging ilaw sa madilim niyang mundo. Sa kanilang hindi inaasahang pagkikita, may kakaibang alok sa kanya si Reynan. Isang solusyon na maaaring magpapalaya sa kanya mula sa sakit—isang kasal na kontrakwal. Ngunit handa ba siyang sumugal sa kasanduang kasal na hindi tiyak ang kahihinatnan? O mananatili siyang magpapagapos sa relasyon na siya lang ang nagmamahal?
View MoreCHERRY
Bago ko pa man sagutin ang tawag ni George—ang boyfriend ko, ang kinakasama ko ng limang taon—sumikip na agad ang dibdib ko. Hindi pa man niya binubuksan ang bibig, alam ko na. May ipapagawa na naman siya. At gaya ng dati, wala akong karapatang tumanggi.
Gabi na. Kagagaling ko lang mula sa medical mission. Ang tanging gusto ko lang ay makapahinga kahit sandali. Pero kahit ang karapatang iyon, pinagkakait niya sa akin.
“Pumunta ka rito ngayon din.” Malamig ang tinig niya. Matigas. Commanding.
“Pagod ako, George. Kakauwi ko lang—”
“Wala akong pakialam. Pumunta ka. I’ll send you the address.”
Wala pang ilang segundo, pumasok na ang location sa phone ko. Isang hotel. Sa Makati.
Mapait akong napangiti. Tumayo ako at nagsimulang magbihis. Hindi ko na siya nireplyan. Wala rin namang saysay. Sanay na rin akong sumunod. Dahil kung hindi… magagalit siya. At ayokong dumating sa puntong pagtatabuyan niya ako. Ayokong marinig ang mga salitang hiwalay na tayo.
Tatlong taon na mula noong tuluyang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. Pero heto pa rin ako—kumakapit. Umaasang babalik kami sa dati. Umaasang magbabago siya. Umaasang hindi pa huli ang lahat sa amin.
Pagdating ko sa hotel, mas lalong bumigat ang dibdib ko. Parang may nakapatong na bato sa balikat ko habang binabaybay ko ang hallway. Ang bawat hakbang, parang may humihila sa akin pabalik. 'Wag na akong tumuloy. Pero patuloy pa rin ako. Hanggang sa tumigil ako sa tapat ng pintuan. Huminga ng malalim. Pumikit at kumatok.
Agad itong bumukas.
“What took you so long?!”
Galit agad ang salubong niya. Walang bakas ng pag-aalala. Hindi man lang na hiya. Hinila niya ako papasok, halos pakaladkad. Diretso sa kama.
At doon ako napatigil.
Nanigas ang buong katawan ko. Parang kinuryente ang kaluluwa ko sa nakita. Isang babae—nakahiga sa kama, magulo ang buhok, kalat na ang kolorete sa mukha, at nakahawak sa puson, namimilipit habang nakapikit sa sakit.
Inasahan ko na ‘to. Pero iba pala kapag nasaksihan mo mismo. Mas matalim. Mas malupit. Mas totoo ang hagupit.
“Check on her,” utos ni George, sabay tulak sa akin palapit sa babae.
Wala akong nasabi. Wala akong naiangal. Tumalima ako, kahit nanginginig. Hindi dahil takot ako— kundi dahil kailangan. Doktor ako. May sinumpaan akong tungkulin, gagamutin kahit ang mga pasyenteng sumisira sa buong pagkatao ko.
Lumuhod ako. Sinuri ko ang tiyan ng babae. Wala namang abnormalidad. Kaya pulso naman ang kasunod.
At doon ako muntik nang mapaluhod sa sahig.
Buntis siya.
“Kumusta ang baby ko?” tanong ng babae, sabay tingin sa akin—mataas ang isang kilay, mapanghamon ang titig.
Alam niya. Alam nila. Hindi ito aksidente. Hindi ito sikreto. Intension nilang malaman ko.
Napalingon ako kay George. Umaasang magpapaliwanag siya. Mag-so-sorry. Pero wala. Tahimik lang siyang nakatingin sa babae, nag-aalala. Hinimas pa ang buhok nito, parang ako ang kabit sa eksenang ito.
"Tinatanong ka!" singhal ni George.
Lumunok ako ng laway. Pati sakit nilunok ko. “Alam mong buntis siya pero ginalaw mo—” Hindi ko natapos.
Lumagapak ang palad niya sa mukha ko.
Ang sakit.
Napaling ang mukha ko. Parang nabingi. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Umagos ang luha ko bago ko pa napigilang bumagsak.
“Hindi kita pinatawag para sermunan kami! Gawin mo ang trabaho mo!”
Hindi ako sumagot. Tumango lang ako. Pinunasan ang luha. Pinilit kumalma kahit nanginginig ang buong katawan ko. Nadudurog ang puso ko.
“Maselan ang unang tatlong buwan,” mahina kong sambit. “Iwasan ang stress. Dalhin siya sa OB para makasigurado.”
“Eh ‘yong pananakit ng puson?”
“Warm compress.” Wala sa loob ang sagot ko.
Tumayo ako. Papalabas na sana ng kwarto. Pero bago ko pa maabot ang pinto, hinawakan niya ang braso ko. Mahigpit. Halos mabali ang buto ko.
“George, nasasaktan ako!”
“Sinabi ko bang pwede ka nang umalis?”
Inilapit niya ang mukha sa akin, mga matang punong-puno ng galit at poot.
“Ano pa ba ang gusto mo? Hayaan mo na akong umalis, George…”
“Gusto mong umalis? Umalis ka na rin sa buhay ko!”
Parang huminto ang mundo ko. Tumigil ang paghinga ko. Ni luha, hindi na makalabas.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Mahigpit. Halos bumaon ang mga daliri niya sa balat ko.
“George…”
“George,” singit ng babae, malambing. Agad siyang lumingon. At ako, binitiwan niya. Iniwan niya. Parang laruang wala nang halaga sa kanya.
Lumapit siya sa babae. Inalalayan itong umupo. Lumuhod pa siya sa harap at hinaplos ang puson.
“Hindi na ba masakit?”
Ngumiti ang babae. Kumindat pa. "Hindi na..."
Nakatayo lang ako. Parang poste na konting bayo ng hangin, matutumba na.
Ang bawat haplos, bawat salita ni George, parang kutsilyong inuukit sa puso ko. Gusto kong umiyak. Sumigaw. Magwala. Pero wala. Ni ungol, hindi ko magawang ilabas.
Tahimik akong tumalikod. Lumakad palabas. Pinipigilan ang hikbi, kinakagat ang labi para ‘di mapahagulgol.
Pagtapak ko sa labas ng kwarto, nawalan ako ng lakas. Napahawak ako sa door handle. Nanginginig ang mga tuhod. Hindi na halos makatayo.
“George, sundan mo na ang girlfriend mo,” rinig kong sabi ng babae mula sa loob.
“Bakit ko ‘yon susundan? Nag-iinarte lang ‘yon. Mamaya, pag-uwi ko, hihingi ‘yon ng tawad. Tanga-tanga kaya n’on. Uto-uto pa.”
Napabitiw ako sa hawakan. Nanginig ang kamay ko. Parang nalunod ang puso ko at hindi na makahinga.
“Mahal na mahal ako ng babaing ‘yon. Hindi ‘yon mabubuhay nang wala ako.”
Mapait akong ngumiti. Napayuko.
Tama siya. Mahal ko siya. Kaya niya ako paulit-ulit na sinasaktan—alam niyang hindi ako bibitaw.
Pinahid ko ang luha. At kahit nanginginig pa ang tuhod ko, pinilit kong lumakad—palayo sa kwartong iyon, palayo sa lalaking hindi na ako minamahal.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Uuwi pa ba ako sa tahanang puro sakit ang laman, o sisimulan ko na ang buhay na wala siya, kahit hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat?
Hawak ko ang kamay ni Anna habang naglalakad kami sa baywalk. Padalim na, pero mang-ilan-ilan lang ang mga tao. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng alon na sumasalpok sa breakwater.Napangiti ako. Tumingin sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabon sa kanyang mukha sa bawat mahinang hampas ng hangin.This is surreal. A month ago, umiwas-iwas pa ako sa kanya. Puno pa ako ng doubt sa sarili. Ngayon, hindi na.“Hoy, matutunaw na ako kakatitig mo…” Iniwas niya ang kanyang mukha, pero napangiti naman.“E kasi naman, ang ganda mo… ang sexy pa…” Kagat ko ang ibabang labi habang hinaplos at marahang pinisil ang baywang niya.“Hay naku, Jerome… ayan ka na naman…”Napabungisngis ako. Masaya kasi ako. Sobra! Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko nga akalaing mangyayari ‘to—na makakahanap ako ng babaing handa akong tanggapin—ang nakaraan ko, at kung ano man ang kulang sa akin.Inangat ko ang kamay niya. Nilapat ang palad niya sa labi ko. Patunog na h
Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Anna. Para bang bawat segundo ng pagtitig niya ay tinatanggal ang depensa ko. “Anna…” humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko. “Ang hirap… hindi ko alam kung ano ang sasabihin… kung paano magpapaliwanag.” “Mahirap? Hindi alam kung ano ang sasabihin? Kaya umiwas ka na lang… mas madali nga naman ‘yon! ” tumaas ang boses niya, halatang nagpupuyos sa galit. “Anna, hindi… hindi gano’n ‘yon…” Napabuntong-hininga ako. Mapait na ngiti naman ang ganti niya. Napalingon ako nang marinig ko ang ugong, bulungan sa paligid. Pinagtitingan na kami ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila siya palabas ng restaurant. Pero paglabas namin binawi niya ang kamay niya. “Jerome, hindi mo na kailangang mag-explain. Sinabi ko na kanina, ito na ang huling beses na makikita mo ako. Kaya ‘wag ka ma-pressure. Ano man ang sabihin mo, keep mo na lang sa sarili.” “Anna, teka lang…” Pinigil ko siya. Aalis na naman kasi sa
Duwag na kung duwag. Masama na kung masama, pero ayaw kong malaman ni Anna ang problema ko. Ang trauma ko na saglit lang nawala dahil sa kanya. Pinatikim lang ako ng kakaibang saya, pero agad ding nawala. Nawalan na naman ako ng pakiramdam. Umalis ako nang umagang ’yon na hindi nagpapaalam sa kanya. Tahimik akong bumangon noon, sinigurong tulog siya. Ang bigat ng pakiramdam ko nang iwanan siya. Puso ko, nagsasabing huwag akong umalis, pero utak ko, nagsasabi— kung mananatili ako, ano naman ang maibibigay ko sa kanya? Lalaki ako, alam kong hindi sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Nagbilin lang ako ng mensahe na kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa mga pasyente ko. Binabad ang sarili sa charts, consultation, at patient rounds. Pero kahit anong pilit ko, kahit pagod na pagod ang katawan ko, isip ko si Anna pa rin ang laging laman. ’Yong ngiti niya, hindi ko makakalimutan. ’Yong paano niya ako hawakan, kung paano niya haplusin ang
CHAPTER 2 Nasa tabi ko pa rin si Anna nang magising ako. Yakap niya ako. Ramdam na ramdam ko ang mahina niyang hinga—ang init ng balat niyang dumadampi sa akin.Napangiti ako. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin kagabi. Lahat parang nakaukit sa utak ko. Pati nga amoy ng perfume niya, kabisado ko na. Matamis, magaan sa ilong, pero ang lakas ng epekto sa akin. Nakakalasing.Nangangalay na ako, pero ayaw kong gumalaw. Ayaw kong magising siya, at matapos ang sandaling ‘to. Kaya hinayaan ko lang ang bigat ng ulo niyang nakapatong sa akin, kahit halos hindi ko na maramdaman ang braso ko.Hinawi ko ang buhok na dumikit sa pisngi niya. Dumampi sa balat ko ang malambot niyang hibla. Dinampian ko siya ng magaan na halik sa noo, saka dahan-dahang ipinikit ang mata ko para namnamin ang sandali.Pigil akong bumuga ng hangin. Hindi ko akalaing mararamdaman ko pa ‘to—‘yong ganitong saya, ‘yong kakaibang sarap na akala ko, hindi ko na kailanman mararanasan.Hinila ko siya palapit, idiniin ko ang mu
After the Wedding Medyo may tama na ako. Parang hilo na. Pero mas ramdam ko ang tama ko kay Anna. Nasa tabi ko siya. Hindi nawawala ang tawa. Napakaganda niya.Inuulit-ulit niya ang eksena sa kasal ni Cherry at Reynan kanina.Katulad ko, may tama na rin siya. Kaya nagpresenta akong ihatid siya rito sa floor nitong hotel kung saan kami nag-stay.“Anna, tama na ang tawa…” sabi ko, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti.“Wala naman akong ginagawa, ah…” sagot niya, “I’m savoring the moment.”“Moment saan?” napatingin ako sa kanya.Tumingin siya sa bouquet na hawak pa rin niya. “‘Wala naman akong balak na saluhin ‘to. Pero binigay sa akin.”“Ayos nga ‘e, ikaw ang binigyan… nabigyan rin ako ng pagkakataon na lumapit sa’yo." Ngumingiti ako, pero seryoso ang tono ko.Tumawa siya. Kinapa ang garter na nasa hita pa rin niya. “Swerte mo, ikaw pa lang nakahawak sa legs ko.”Napailing ako, pilit tinatago ang init na umaakyat sa pisngi ko. “That’s just a silly wedding tradition. Wala ‘yang ibig
Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments