Buong-buo ang determinasyon kong bumalik agad sa Pilipinas, pero mismong katawan ko ang tumutol. Bigla na lang akong bumigay.
Sumakit ang ulo ko, parang biglang naubos ang hangin sa baga ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Nanlalambot ang tuhod. Nahihilo, hindi na halos ako makatayo, pero pinilit ko.
Kaya lang, hindi pumayag si Mama na umalis ako. Kahit anong pagmamakaawa ko, hindi pa rin siya pumayag. Paano raw kung himatayin ako sa byahe? Paano kung lalong lumala ang sakit ko?
Ayaw ko man sanang tumigil, pero napilitan ako.
Isang linggo akong nagpahinga. Pinilit kumain kahit wala akong gana. Pinilit matulog kahit walang kapayapaan ang utak ko. Pinilit kong magpalakas at si Reynan ang naging inspirasyon ko.
Pakiramdam ko parang isang taon ko nang hindi nakikita si Reynan. Sabik na akong makita, mayakap, at mahalikan siya. Miss ko na ang mga lambing niya, ang kapilyohan, at kalibugan niya.
At ngayon nga… narito na ako sa airport. Kalalapag ko lang mula Canada. Hindi pa man ako nakakakuha