[Apol]
Mabilis na iniyuko niya ang ulo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok ng laway habang nakapikit. Hindi naman siguro nito narinig ang mga sinabi niya, di'ba? Saka kung marinig man nito, hindi naman siguro ito magagalit dahil hindi naman niya binanggit ang pangalan nito... errrr hindi nga ba?
"Follow me." Anito bago nagpatiunang maglakad.
Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman ito sa kanya.
Katulad ng sinabi nito ay sumunod siya rito. Pagdating sa office nito ay mayro'n silang naabutan na limang may edad na kababaihan. Napapunok siya sa tingin ng mga ito. Hindi pa nagsasalita pero parang namimintas na ang tingin. Kumbaga, nakapa-instrikta ng mga dating.
"Train her well in three days. My grandfather's birthday party is coming. I want her to learn how to act like a high class profile. Ayaw kong mapahiya kaya gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Show no mercy while teaching her. Wala akong pakialam kung anong klase ng training ang gawin ninyo