Cari
Pustaka
Beranda / Mafia / MAFIA'S FATAL ATTRACTION / The Don and the Clown

The Don and the Clown

Penulis: GABE
2025-01-21 20:09:05

Alam niyang maging ang clown na kanyang nakaharap ay naguguluhan sa mga nangyayari, tila kasi binibili ito ng kanyang anak.

Sinenyasan niya ang yaya ng anak.

"Puntahan mo na muna ang yaya at kakausapin ko lang ang clown na gusto mo---yun ay kung papayag siya," sagot ko sa anak.

"Do everything, Daddy, to make her agree. Don't stop until we bring her home with us, okay?"

Gusto kong mapailing dahil sa sinasabi ng aking anak. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-iisip mayroon ito dahil sa dinami-dami ng gugustuhin nito ay ang ay mag-uwi ng clown sa aming bahay.

"Sure," sagot ko.

Nang makalayo si Sarah sa aming dalawa ay napatitig ako sa clown sa kaharap ko.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ng anak ko, gusto niyang iuwi kita sa bahay namin. Name your price," diretsong wika niya sa babaeng clown.

"Sinagot niyo na rin po ang sagot sa tinatanong ninyo sa akin ngayon... Hindi po ako laruan, Sir at hindi po ako nagpapa-take home," diretso ang sagot sa kanya ng babae. Napatitig tuloy siya sa mga mata nito at kahit puno ng makeup ang mukha ng babae ay napansin niya ang maganda nitong mga mata, maging ang ilong nito ay may katangusan din.

Tumango ako..."You know what----I could get lots of clowns and bring them home, but my daughter likes you. I don't want to make her sad. Magkano ba ang kinikita mo dito? Sideline mo lang ba ito?" tanong niya pa sa babaeng kaharap. "Alangan naman kasing nagbihis ka ng ganyan dahil natutuwa ka lang mag-perform sa harapan ng maraming tao? Isang malaking kalokohan naman yata yun hindi ba?"

"Kukunin niyo po ba ang serbisyo ko sir o iinsultuhin niyo ako?" matapang na tanong sa akin ng babae. Hindi yata ako nito kilala. Wala pang babaeng sumasagot sa akin ng ganoon-- ito pa lamang. Hindi yata nito alam na ang kaharap nito ay isang mafia. Isang salita lamang ay pinapatay ko na ang mga katulad nitong bastos.

"I'm sorry if you feel insulted. I just want to be direct and avoid beating around the bush. I'm used to my work where I don't have to ask for things. But because of my daughter, I'm willing to do this. How about fifty thousand a month? Is that okay with you?" ani ko pang napatitig sa babae. Alam kong natigilan ito sa presyo na inaalok ko. Isa pa, saan nito kukunin ang 50,000 a month sa pagiging clown lamang? Mas malaki pa ang sahod nito sa yaya ni Sara kapag nagkataon. “Magiging clown ka lamang sa mga mata ng alaga mo. Ang trabaho mo lang ay pasayahin siya at huwag kang mag-alala dahil may yaya naman siya na mag-aalaga sa kanya. Hindi ka mapapagod," dagdag ko pang wika.

"Seryoso ka, fifty thousand a month?" tanong pa ng babae sa akin.

"Hindi ka naman siguro bingi, hindi ba??? Kailangan ko pa bang ulitin?" matigas ang boses na sagot ko.

"Hindi po ba kayo nababaliw para alukin ako ng fifty thousand para lamang mapasaya ang anak ninyo?" tanong pa ng babae kung kaya naningkit ang aking mga mata.

"Sa tingin mo ba talaga ay nababaliw ako?” tanong ko rito, kung kaya natigilan ang babaeng aking kaharap.. "Alam mo bang wala pang nakakapagsabi sa akin ng ganyan? Ikaw pa lang," pagbabanta ko.

"Sino ba naman kasi ang maniniwala na aalukin ninyo ako ng fifty thousand? Isang hamak na clown lamang po ako. Kahit nga call center ay hindi kikita ng fifty thousand a month--- maliban na lang po kung may iba kayong ipapagawa sa akin.:

Napakunot ang aking noo dahil sinabi ng babae.

"At ano naman ang ipapagawa ko sayo?"

Pinasadahan ako ng tingin ng babaeng clown. Simula ulo hanggang mukha. Mayat-maya pa ay napangiwi ito.

"Hindi po ako p****k, Sir ha? Hindi po ako nagbebenta ng aliw."

Napaubo ako dahil sa sinabi ng babaeng aking kaharap.

"Kung ano man po ang iniisip ninyo sa akin ay itigil niyo na po at hindi po kayo magtatagumpay."

"Are you insane? O baka naman nalipasan ka ng kain? Wala sa bokabularyo ko ang pumatol sa isang payaso. You’re not even close to the kind of women I like," sagot ko pa. Kulang nalang ay barilin ko ang aking kaharap.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi