TINANGHALI na ng gising si Amelie. Wala na si Tristan sa tabi niya. Agad siyang bumangon at pumasok sa banyo ni Tristan. Naligo siya roon at nakatapis na nang lumabas ng banyo, tuwalya ni Tristan ang ginamit niya na medyo basa pa, katatapos lang sigurong gamitin ni Tristan.
Kahit medyo masakit ang nasa gitnang hita niya ay magaan naman ang pakiramdam niya. Nagkakalkal na siya sa backpack niya para kumuha ng damit nang pumasok si Tristan. Nakabihis na ito at mukhang handa ng umalis.
"Aalis na agad tayo?" masiglang tanong niya rito.
"Mauuna na ako," anito na agad na nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng pagkunot ng noo—nagtataka.
"Magbibihis lang ako saglit. Nakaligo naman na ako, e," aniya at basta na lang humigit ng damit sa backpack kahit pambahay naman iyon.
"No."
Natigil na lang siya gagawing pagbibihis at napalingon rito.
"Ha?"
"Hindi ka puwedeng sumabay." Naging mailap ang mga mata ni Tristan at tila naasiwa. Lumakad ito at tinungo ang dr