LOGINDesperate times calls for desperate measures. Kaya naman nang malaman ni Amelie ang planong pakikipag-live in ni Tristan sa iba ay plinano niyang pikutin ito. ------- "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at galit na galit na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang napatayo at takot na napaatras ng galit na lumapit ito sa kanya. Agad na pinisil nito ang panga niya. "Magpapakasal ako sa 'yo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na naisipan mo akong idamay ako sa kagagahan mo!" Nagngangalit ang panga nito at nanlilisik ang mga mata. Kahit takot at nasasaktan hindi niya maiwasang sumaya. Magpapakasal ito sa kanya! Well, magsasama sila sa impiyerno, till death to their part.
View MoreMAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore