Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari matapos akong isakay nang lalaki sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dinala.
Nang magising ako, nakatali ako sa isang upuan. Ang dalawang kamay ko ay nakagapos, nakapatong sa hita ko. My body was tied to a chair.
Agad na kumalabog ang dibdib ko dahil sa napagtanto.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit sa akin – if my stomach hurts but no. I am fine. Ang masakit lang ay ang leeg ko dahil siguro sa hindi ako nakasandal habang wala akong malay!
Iginaya ko ang mata ko sa paligid at kita kong nasa isang silid ako. Walang ibang gamit sa silid. Tanging ako lang at ang upuan kung saan ako nakaupo ngayon!
The room was cold and too quiet!
Pilit kong pinakikinggan kung may maririnig akong ingay pero wala talaga akong marinig. And I am starting to panic! Sunod sunod akong nagpawala ng hininga para pakalmahin ang sarili.
Dammit! Scarlet, you are pregnant! You have to think of your baby! You shouldn't be panicking for goddamn s