Nang hindi na ako mapakali ay mabilis akong pumunta sa kusina para kunin ang hinanda kong pagkain para kay Allyana. Kapag bumababa ako sa kanya, may sumama sa akin.
Nang buksan ng lalaki ang pintuan ay mabilis akong pumasok dala ang tray. Pero agad napaawang ang labi ko nang makita kong may pasa si Allyana sa mukha, braso at sa hita! Meron ding dugo sa gilid ng labi niya.
Nanlumo ako. If I was in her situation, I might lose my baby!
Hinang-hina siya nang tignan niya ako. I saw her glared at me. She still think of me as traitor. Hindi ko masabi sa kanya ang mga pinagagawa ko para lang masalba kami kasi palaging may bantay.
“You should eat.”
Mabuti nalang at namatili sa labas ang tauhan. Palagi ay sumasama siya sa loob kaya hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Ngayon ko palang masasabi!
Nilapag ko ang tray at saka bumaling sa tauahan sa labas. Tinignan kung ano ang ginagawa niya.
“Kailangan ko siyang subuan. Masyado siyang nanghihina,” paalam ko sa lalaki. He just shrugged his