CHAPTER 147
Pagkarating naman nga ni Jillian sa kanilang bahay ay nadatnan nga niya ang kanyang mga kaibigan na sila Jane at April doon na mukhang kanina pa siya hinihintay.
Inabot din kasi ng ilang oras si Jillian sa unit ni Harold dahil gusto talaga niyang mapag isa kaya nga siya nagpunta roon.
“Mabuti naman at narito ka na. Nag alala na kami sa’yo. Saan ka ba kasi nagpunta?” puno ng pag aalala na sabi ni Jane kay Jillian at sinalubong na nga nila ito ng makita nila ang pagdating ng kanilang kaibigan.
Bumuntong hininga naman nga si Jillian at isang pilit na ngiti nga ang pumaskil sa kanyang labi.
“May pinuntahan lang ako kasi gusto kong mapag isa,” mahinang sagot naman nga ni Jillian.
Nagkatinginan naman nga sila April at Jane dahil ramdam nila pareho ang lungkot ng kanilang kaibigan.
Imbis nga na dumiretso si Jillian sa loob ng kanilang bahay ay ipinagpaalam nga muna ito ni Jane sa ina nito na pupunta muna sila saglit sa kanilang bahay at agad din naman nga na pumayag si nanay Leon