[MATURE CONTENT !!!] Biang isang mapagmahal na anak ay handa ngang gawin ni Jillian ang lahat ara lamang mapaoperahan nga niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang nga ang meron siya. At dahil nga sa kahirapan ay pikit mata na lamang nga na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit nga takot na takot siya ay pinilit na lamang nga niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito nga ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas nga ng mga araw ay tuluyan na ngang naging obsessed si Harold kay Jillian. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
View MoreCHAPTER 234Pagkarating ni Jane sa kanyang pwesto ay agad nga niyang nakita si Ms. Rose na papalapit sa kanya kaya naman agad na siyang tumayo at agad na niya itong nginitian.“Good morning po, Ms. Rose,” bati ni Jane sa kanilang manager.“Good morning din Jane. Kumusta na nga pala si Jillian? Hindi na kasi ako nakakadalaw sa kanya. Masyado kasi akong maraming ginagawa rito ngayon kaya kahit na gusto ko siyang bisitahin ay hindi ko na magawa pa,” sagot ni Rose sa dalaga.“Ayos naman na po si Jillian. Binilinan lang pos iya ng kanyang doktor na wag daq po masyadong magpapagod para hindi raw po manikip ang dibdib nito. At sa awa naman po ng Diyos ay sinusunod naman po iyon ni Jillian," sagot ni Jane at natatawa pa nga siya sa huling sinabi niya dahil may pagkamatigas talaga ang ulo ni Jillian.“Mabuti naman kung ganon. Kapag maaga kong natapos ang mga gawain ko mamaya ay sasabay na ako sa’yo. Balak ko rin kasi talaga na bisitahin siya,” sagot ni Rose. “Sige na. Babalik na muna ako sa p
CHAPTER 233Nagkatinginan naman sila Camille at Hazel. Napangiti pa nga kaagad si Camille dahil mukhang tama nga ang hinala niya na naroon ang binata ngayon.“Fiance nya ako. At medyo nagkatampuhan kasi kami kaya hinahanap ko sya ngayon. Nariyan ba sya ngayon? Gusto ko kasi sana siyang makausap ng personal,” lakas loob na sagot ni Camille sa babae.Nagulat naman si Hazel sa sinagot na iyon ni Camille at talagang napaawang pa nga ang bibig niya dahil doon.Samantalang ang babae naman na nasa front desk ay nagulat din sa kanyang narinig. Wala naman kasi silang alam sa private life ng kanilang mga boss kaya naman ganon na lang din ang gulat nito ng may magpakilala nga na fiance ni Harold.“Ahm. G-ganon po ba ma’m. Sa pagkakaalam ko po ay parang hindi pa po bumabalik si sir Harold dito sa kumpanya. Pasensya na po,” sagot ng babae.Agad naman na napakunot ang noo ni Camille sa naging sagot na iyon ng babae.“Anong ibig mong sabihin na hindi pa siya bumabalik?” hindi na maiwasang tanong ni
CHAPTER 232“Villanueva Empire,” basa ni Hazel sa nakasulat sa building na nasa harapan nila kung saan tumigil ang sasakyan ni Camille.“Isa iyan sa mga kumpanya ng pamilya nila Harold at sa pagkakaalam ko ay si Harold ang namamahala r’yan. Kaya naman dito ko naisip na unang puntahan siya dahil baka nariyan siya ngayon,” sabi ni Camille at saka niya pinatay ang makina ng kanyang sasakyan.Seryoso naman na tiningnan ni Hazel ang kanyang kaibigan.“Camille, sigurado ka na ba talaga rito sa gagawin mong ito? Hindi naman sa tinututulan kita pero bakit ba ipinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya gayong sinabi na niya sa’yo na ayaw niya sa’yo. Maganda ka Camille at panigurado na marami namang lalaki ang magkakagusto sa’yo. Kaya bakit kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa isang lalaki na wala naman nararamdaman para sa’yo,” seryoso pa na sabi ni Hazel sa kanyang kaibigan at talagang inulit niya itong itanong kay Camille.Kahit naman kasi may pagkamaldita nga itong si Hazel ay gi
CHAPTER 231Natawa naman si Camille sa sinabi na iyon ng kanyang kaibigan dahil kilalang kilala na talaga siya nito.“Talagang kilalang kilala mo pa rin ako,” natatawa pa na sabi ni Camille. “May gusto kasi akong puntahan ngayon at gusto ko sana na magpasama sa’yo,” pagpapatuloy pa niya.Napabuntong hininga naman si Hazel dahil sigurado siya na may gagawin na naman ang kanyang kaibigan kaya ito nagpapasama sa kanya ngayon.“Tsk. Pasalamat ka talaga at wala akong ginagawa ngayon dahil kung nagkataon ay hindi talaga kita sasamahan,” naiiling pa na sabi ni Hazel. “Hintayin mo na lamang muna ako rito at magpapalit lamang ako ng damit,” dagdag pa niya at saka niya t8nalikuran ang kaibigan.“The best ka talaga kahit kelan. Salamat best,” sagot ni Camille at ngiting ngiti pa nga ito habang nakatanaw sa kanyang kaibigan na papasok na sa silid nito.Hindi naman na liningon ni Hazel ang kanyang kaibigan at nagdiretso na nga siya sa kanyabg silid upang magpalit ng kanyang damit.Saglit lamang na
CHAPTER 230KINABUKASAN….Maaga naman na nagising si Camille pero mas maaga nga ang kanyang ama na nagising dahil naabutan niya ito roon na nagkakape na.“Good morning dad,” bati ni Camille sa kanyang ama at agad na rin siyang lumapit dito upang humalik sa pisngi nito.“Good morning din hija,” bati rin naman ni Miguel dito. “Ang aga mo yata na nagising ngayon. May lakad ka ba?” tanong pa niya.“Ahm. Balak ko po na mamasyal ngayon dad. Maglibot libot po,” sagot ni Camille at saka siya naupo sa may tabi ng kanyang ama.“Mamasyal? Nang ganito kaaga?” kunot noo pa na tanong ni Miguel dahil hindi naman mahilig mamasyal ang kanyang anak at sobrang aga pa talaga. “Bakit hindi ka na lamang magpahinga muna rito sa bahay? Mahaba haba ang byahe natin kahapon at alam ko na pagod ka pa,” pagpapatuloy pa niya.“Nakapagpahinga naman na po ako kagabi dad. At gusto ko lamang po talaga na mamasyal ngayon dahil matagal tagal din po akong nawala rito. Balak ko rin po na bisitahin si Hazel ngayon,” sagot
CHAPTER 229Sa kabilang banda naman ay kalalapag pa lamang ng sinakyang eroplano ng mag amang Camille at Miguel. Talagang tinuloy din ng mag ama ang pagbabalik bansa nila lalo na at wala talagang balak na magpapigil si Camille na umuwi ng Pinas.Matapos nga nilang makuha ang kanilang mga gamit ay agad na rin silang lumabas ng airport at habang hinihintay nga nila ang kanilang sundo ay hindi naman maiwasan ni Camille na mapangiti. Sigurado kasi siya na narito rin sa bansa si Harold at bigla tuloy siyang na-excite na makita muli ang binata dahil namimiss na niya ito.Ilang saglit pa nga ay dumating na rin ang kanilang sundo kaya naman agad na silang sumakay roon dahil pawisan na rin talaga silang dalawa dahil sa sobrang init ng panahon.“Anak, gusto ko lamang na ipalala sa’yo ang mga sinabi ko tungkol kay Harold. Sana ay pag isipan mo muna iyong mabuti at wag kang magpadalos dalos ng desisyon,” sabi ni Miguel kay Camille nang malapit na sila s akanilang mansyon.Napatingin naman si Cami
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments