“May problema ba sa trabaho mo?” tanong niya.
“Wala naman, iniisip ko lang kung matatapos ko ba yung isang design ko ngayong linggo. Para kasing kulang ako sa oras.” Sagot niya.
“You’re good at designing, you can do that.” Pagpapalakas ni Tyrone sa loob ni Czarina. Tipid na lang na ngumiti si Czarina. Nang makarating sila sa kompanya ay bumaba na kaagad si Czarina saka siya kumaway kay Tyrone. Nang makaalis na si Tyrone ay saka siya pumasok sa loob ng kompanya. Nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Owen.
Naiinis na si Czarina kay Owen dahil araw-araw na lang ay ginugulo siya nito. Lalampasan niya na lang sana si Owen pero sumabay ito sa paglalakad niya.
“Ang ganda ng ngiti mo kapag si Tyrone ang kasama mo pero nang makita mo ako para kang binagsakan ng langit at lupa.” Ani nito.
“Anong gusto mo? Ngitian din kita? Mr. Fuentes, kung wala kang gagawin huwag ako ang guluhin mo. Sa pagkakaalam ko ay bibisitahin niyo ang site kung saan itatayo ang bagong building kaya kung pwede layuan m