My Contract Marriage

My Contract Marriage

last updateLast Updated : 2025-05-31
By:  Rhea maeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
219Chapters
100.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ikakasal na dapat si Czarina sa long time boyfriend niya pero bago pa man ang kasal nila nahuli niya itong niloloko lang pala siya at ang babaeng kasama nito ay walang iba kundi ang sariling kapatid ni Czarina. Pinili niyang manahimik, hindi siya gumawa ng gulo. Nang malaman niyang ipinagkasundo ang kapatid niyang si Natalie kay Tyrone Fuentes, isa sa mga apo ng pinakamayamang pamilya sa bansa ay pinuntahan niya ito para makipagkasundo. Inalok niya ng kasal si Tyrone Fuentes dahil alam niya kung gaano kainteresado si Natalie rito. Sinira ng kapatid niya ang relasyon niya kaya sisiguraduhin din niyang sisirain niya ang pangarap nitong maging Mrs. Fuentes. Subalit, paano kung may malaman si Tyrone na sekreto ni Czarina? Will he stay or will he divorce, Czarina?

View More

Chapter 1

Kabanata 1.1

Blangkong tiningnan ni Czarina ang half sister niya at ang long time boyfriend niya na sabay pumasok sa isang hotel room. Ngayong nakompirma niya nang niloloko lang siya ng fiancee niya, hindi na siya magbubulag-bulagan. Hindi niya akalain na ang babaeng lihim na minamahal pala ng fiancee niya ay ang sarili niyang half sister. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang kahati ang kapatid niya sa lahat ng bagay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan siya saka siya umuwi. Masakit man sa kaniya na niloloko siya ng fiancee niya lalo na at malapit na silang ikasal, ayaw niya namang magmakaawa rito dahil may natitira pa siyang respeto para sa sarili niya.

Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay silang nagdinner. Tahimik lang si Czarina, nakauwi na rin ang kapatid niyang si Natalie.

“Dahil ikakasal na si Czarina at Austin ngayong buwan, sa susunod na taon ka naman Natalie. Naipagkasundo na kita sa anak ng mga Fuentes na si Tyrone Fuentes. Siya ang magiging asawa mo,” wika ni Mateo, ang ama ni Czarina at Natalie.

“Really dad?” hindi makapaniwalang tanong ni Natalie. Ayaw niyang pumayag sa arrange marriage pero ngayong alam niya na kung sino ang magiging groom niya, hindi siya magdadalawang isip na pumayag kaagad. Napangisi naman si Czarina habang kumakain, ramdam niyang interesado si Natalie kay Tyrone. Sino nga bang hindi magkakagusto sa kaniya? He’s one of the grandson ng mayamang pamilya.

“Czarina, kumusta ang preparation niyo ni Austin para sa kasal niyo? Is everything okay now?” tanong ni Mateo. Uminom naman muna ng tubig si Czarina bago sumagot.

“We’re still preparing, dad, excuse me.” Wika niya saka siya umalis ng hapag kainan. Kinabukasan, narinig ni Czarina ang pag-uusap ng mag-ina na si Natalia at Natalie. Rinig na rinig ni Czarina kung gaano kainteresado si Natalie kay Tyrone.

“Hindi ba pwedeng kami na muna ang ikasal ni Tyrone, Mom? Sa susunod na taon na lang si Czarina at Austin, mukhang hindi naman sila nagmamadali.” Request ni Natalie sa kaniyang ina.

“Hindi pwede, kailangan pa rin nating makausap ang pamilya ng Fuentes lalo na si Tyrone. Dapat makilala niyo muna ang isa’t isa bago kayo ikasal. Huwag mong madaliin ang lahat dahil kayo pa rin naman ang ikakasal.” Sagot ni Natalia sa anak niya. Nahinto ang pag-uusap nilang dalawa nang makita nila si Czarina.

“Pupunta ka na ba sa boutique to check your wedding gown?” tanong ni Natalia kay Czarina.

“Yes,” tanging sagot ni Czarina saka niya nilampasan ang mag-ina. Napapairap na lang si Natalia dahil simula nang dumating sila ng anak niya sa bahay na ‘to, hindi na siya nirespeto ni Czarina.

Ang akala nila ay pumunta si Czarina sa boutique pero nakipagkita ito kay Tyrone Fuentes, ang future husband ni Natalie. Nang lapitan ni Czarina si Tyrone ay salubong ang mga kilay nito.

“What do you need?” blangko at seryosong tanong ni Tyrone. Wala sana siyang balak na makipagkita kay Czarina dahil hindi niya naman ito kilala pero nang sinabi ni Czarina na importante ang pag-uusapan nila, pumayag na makipagkita si Tyrone.

Umorder naman muna ng ice coffee si Czarina para sa kanilang dalawa ni Tyrone.

“Hindi ako nagpunta rito para makipag-usap sayo ng matagal. Tell me what you want. Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo.” Masungit na saad ni Tyrone. Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Czarina bago nagsalita.

“Ikaw ang fiance ni Natalie, diba?” unang tanong niya. Inis namang nilingon ni Tyrone si Czarina.

“Nakipagkita ka ba sa akin para kumbinsihin akong pakasalan ang kapatid mo? Kung yan lang ang dahilan nang pakikipagkita mo sa akin, nagsasayang ka lang ng oras. Wala akong planong pakasalan ang kapatid mo.” Matigas na wika ni Tyrone at akma na sanang aalis nang magsalita si Czarina.

“That’s good then, hindi ako nagpunta rito para kumbinsihin ka na pakasalan si Natalie.” Sagot ni Czarina kaya lalong kumunot ang noo ni Tyrone. Bumalik siya sa kinauupuan niya, dumating naman na ang order ni Czarina kaya ibinigay niya ang isa kay Tyrone.

“Ano ba talagang kailangan mo? Kung hindi ka nagpunta rito para pilitin akong pakasalan ang kapatid mo then what?” salubong ang mga kilay niyang tanong. Sumimsim naman muna ng kape si Czarina bago nagsalita.

“Marry me instead,” diretso niyang sagot. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero tumawa rin kalaunan.

“Are you crazy? You want me to marry you?” natatawang wika ni Tyrone, napalunok naman si Czarina saka niya mahigpit na hinawakan ang kape niya. Hindi niya akalain na mahirap palang pakiusapan ang isang Tyrone Fuentes. Ang akala niya ay pumayag na si Tyrone sa pagpapakasal kay Natalie pero hindi pala. Alam niyang mahihirapan din siyang kumbinsihin ito na pakasalan siya.

Buong tapang na sinalubong ni Czarina ang galit na mga mata ni Tyrone nang mahigpit siya nitong hinawakan sa kamay.

“Sa tingin mo ba nakikipaglaro ako sa pamilya niyo?” galit na saad ni Tyrone habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Czarina.

“At sa tingin mo ba nagpunta rin ako rito para makipaglaro sayo?” matapang na sagot ni Czarina. Binitiwan ni Tyrone ang kamay ni Czarina pero nananatili pa rin ang matatalim niyang tingin kay Czarina.

“Then tell me your reason, why do you want to marry me? Anong magandang dahilan mo para gusto mong palitan ang kapatid mo as my bride?”

“Sa tingin mo ba makakatakas ka sa kasal niyong dalawa ni Natalie? Nakaplano na ang lahat para sa kasal niyo next year. Pumayag ka man o hindi itutuloy pa rin nila ang kasal. Magkakaroon ng family dinner ang mga pamilya natin next week para sa arrange marriage niyo ni Natalie.”

“Then give me a fucking reason bakit ikaw ang dapat kong piliin na pakasalan?” iniwas ni Czarina ang paningin niya at humugot ng lakas para sabihin ang totoo kay Tyrone.

“My fiancee is cheating with me and his woman is my half-sister, Natalie. Ikakasal na dapat ako ngayong buwan sa long time boyfriend ko pero niloloko lang pala nila ako dahil ang lihim na minamahal ng boyfriend ko ay si Natalie—”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
219 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status