Nang makarating si Czarina sa hospital ay nandun si Natalia at Natalie. Kausap ang doctor. Hingal na hingal pa si Czarina sa kakamadali na makarating sa kwarto ng kaniyang ama.
"Kailangan niyong ipainom sa kaniya ang mga gamot niya sa tamang oras. Mabuti na lamang at hindi malala ang pagkakauntog ng ulo niya kaya wala tayong masyadong alalahanin. Maayos din naman anh result ng x-ray niya." Wika ng doctor. Nakahinga naman ng maluwag si Natalia dahil sa pag-aakalang napuruhan si Mateo. Kung mamamatay man si Mateo kailangan sa malinis na paraan. Gagamitin niya ang sakit ni Mateo at gusto niyang mamatay si Mateo dahil sa sakit nito.
"I'm glad to hear that doc, thank you so much." Ani ni Natalia.
"Posible bang magising siya ngayong gabi doc? Paano nangyaring nawalan siya ng malay? He's not stress, he's healthy too at malakas naman siya." Singit ni Czarina dahil masyado siyang nagtataka kung bakit biglang nanghina ang kaniyang ama. Nakikita niya naman na unti-unting nakakabawi ang katawa