Nang makarating si Czarina sa kompanya ay didiretso na sana siya sa department nila nang makasalubong niya ang kaniyang ama. Hindi niya na lang sana ito bibigyan ng atensyon nang harangin nito ang dadaanan niya.
“Can we talk?” anas ng kaniyang ama. Sinalubong ni Czarina ang mga mata ng kaniyang ama. Masaya siyang maayos na ang kalagayan nito pero hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya dahil hindi siya magawang paniwalaan.
“Wala na po tayong dapat pag-usapan. Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Desisyon niyong hindi na ako paniwalaan kaya para saan pa para mag-usap tayo? I’m sorry po but I have to go. Marami pa akong kailangang gawin. Excuse me,” aniya saka siya bahagyang yumuko para magbigay galang pa rin at umalis na.
Sinundan na lang ni Mateo ng tingin ang anak niya. Napabuntong hininga siya, al