Pag-uwi ni Czarina ay sinalubong siya kaagad ng kambal niya. Masayang niyakap ni Czarina ang mga anak niya.
“Nagmeryenda na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa mga ito.
“Opo, nagmeryenda na po kami kanina.” Masaya namang sagot ni Isabella. Unti-unti ng nawawala ang takot at trauma ni Isabella, nasasanay na rin ito sa maraming tao dahil sa palagi silang ipinapasyal ni Melanie sa public place.
“Let’s go to the pool—” hindi natuloy ni Czarina ang sasabihin niya ng makita niya si Natalie na palabas ng pool area kausap ang dalawang babae at isang bakla. Rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito at talagang inaasikaso na ni Natalie ang para sa kasal nila ni Owen. Hindi niya na lang inaya ang mga anak niya sa pool.
Pumasok na silang tatlo sa kwarto. Magbibihis na sana si Czarina ng may makita siya sa sahig. Pinulot niya ito at tiningnan, napakunot na lang ang noo niya ng makita niya kung para saan ang nakakalat sa kwarto nila.
“Riley, Isabella, sino sa inyong dalawa ang naglagay nito