Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.
“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.
“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.
“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.
“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang