Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.
“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.
“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.
“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.
“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.
“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.
“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany