Chapter 7 – May Konsiyensya ang Rapist?
Sa kabilang banda, kausap ng lalaking nang-rape sa akin ang kanyang kaibigang nagbook ng kuwarto sa hotel na si Paul Ventura sa kanyang opisina. “Paul, ano yung sinasabi mong hindi natuloy ang pagpunta ng babae sa kuwarto ko sa hotel?” sabi ng lalaki. “ E sino yung babaeng pumasok doon?” “Hindi ko alam! Baka …. Hindi ko alam! Tumawag kasi sa akin yung handler ng babae na hindi matutuloy ang appointment niya sa iyo dahil namatay raw ang ama nito!” sabi ni Paul Ventura. “Tang ina!!!! Sino yung babaeng iyon?” sigaw ng lalaki. “Sa ating dalawa lang ito, ha? Pero virgin yung babaeng nakaulayaw ko kagabi! Nagtataka nga ako dahil kung prosti yun, hindi na yun virgin!” “Ano??? Virgin??? Ang suwerte mo JJ! Bihira na ang mga virgin ngayon!” excited na sabi ni Paul Ventura. “Ano ang hitsura ng babae? Baka naman pangit!” “Anong pangit?!? Maganda, matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok! Ang naalala ko may balat siyang kulay pula na kasinglaki ng beinte singko sa bandang dibdib.” sabi ni JJ. “Nakita mo pa yun? Nakilala o namukhaan ka ba niya? Delikado ka nyan baka hanapin ka nun at idemanda ka ng rape!” worried na sabi ni Paul. “Hindi ko alam! Kasi habang naglolove-making kami ay bigla niya akong tinulak dahil masakit raw at parang naalimpungatan siya sa kanyang pagtulog! Hindi ko na mapigilan ang aking sarili kaya pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Nang tapos na ako ay tumakbo siya sa banyo at nagkulong, kaya nakita ko angbakas ng dugo sa kama. Dali-dali akong nagbihis at umalis. Ngayon nakokonsiyensya ako! Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari! Hindi ako masamang tao pero sa nangyaring ito parang napakasama kong tao!” bulalas ni JJ. “Gusto mong makita kung sino ang babae? Madali lang iyan! Kilala ko ang manager ng Shangrila Hotel. Pwede nating tingnan ang CCTV footage nung gabing iyon! Discreet lang tayo. Ipapakopya ko yung parteng pumasok ang babae sa kuwarto mo at ang pag-alis niya. That way, mamumukhaan mo siya.” suhestiyon ni Paul. “Kung mamumukhaan mo naman, ano ang gagawin mo?” Hahanapin mo siya? Paano mo hahanapin? Saan mo hahanapin? Napakalaki ng Maynila. Baka hindi rin taga-Maynila yan, baka taga-probinsya.” “Hindi ko alam ang gagawin ko!” sabi ni JJ habang sinasabunutan nito ang kanyang buhok. ”Ayaw ko lang na me naagrabiyado akong tao. May kapatid din akong babae. Kung hindi ko man siya makita, habang buhay kong dadalhin ito sa aking konsiyensya!” “Sige, pumanatag ka dyan at pag nakakuha ng ako ng CCTV footages, tatawagan kita.” paalam ni Paul. Makaraan ang isang linggo ay bumalik si Paul sa opisina ng lalaki dala dala ng isang USB flashdrive kung saan naka-record ang CCTV footage sa hallway ng kuwarto ng hotel. “Eto na ang recording noong gabing iyon. “Kinakabahan nga ang Hotel Manager ng ibigay sa aking yan. Kailangan daw ng court order bago ilabas yan dahil sa customer confidentality. Nakataya ang trabaho niya dyan. Siniguro ko sa kanyang walang makakaalam nito kung hindi kaming dalawa lang.”sabi ni Paul. Kinuha ni JJ ang flashdrive at ipinasok ito sa isang laptop at pinanuod ang footage. Doon, makikita ang pagpasok ni JJ sa kuwarto. Pagkaraan ng isang oras, isang matangkad na babae naman ang pumasok sa kaparehong kuwarto. Parang lasing ang babae dahil hindi diretso ang lakad nito. Sa pintuan ng kuwarto, tila natigilan ang babae dahil bukas na ang kuwarto gayung hindi pa nito ginagamit ang kanyang keycard pero pumasok pa rin ang babae sa loob. Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas na ng kuwarto ang lalaking kilala ni Paul na tila nagmamadali. Ang sumunod namang makikita ay may pumasok na isang lalaki na pinagbuksan ng babaeng matangkad. Pagkaraan ng kalahating minuto ay sabay na lumabas ang lalaki at babae. Nakaakbay ang lalaki sa babae na parang umiiyak patungo sa elevator. “Puwede bang izoom-in yung mukha ng babae?” tanong ni JJ. Sinubukan ni Paul ang pag zoom in sa mukha ng babae sa video. “Yan na ang pinakamalalaking mukha ng babae. Malabo na!” sabi ni Paul. “Sa kilos at pananamit ng dalawa, parang mga disenteng tao ang mga ito. Ang babae mukhang devastated sa nangyari sa kanya.” “Yun na nga! Paano ko siya hahanapin? Paano ako hihingi ng tawad sa kanya!” desperadong sabi ni JJ. “Paano kung mabuntis siya? Dagdag na pasakit sa kanya iyon! Isa pa, kung saka-sakali, may anak akong magigimg bastardo!” “Wala na tayong magagawa dyan. Ipasa Diyos na lang nating ang nangyari. Besides, it is not your fault. She was the one who entered your room.” pampalubag loob na sabi ni Paul. “Isa pa sinubukan mo siyang hanapin at kilalanin. Both of you were victims of circumstances.” “Diyos ko po! Napakabigat sa dibdib ang nangyari. Isang panandaliang ligaya, habang buhay na sakit ang naging resulta. Buong buhay kong dadalhin ito sa aking kunsiyensya.” malungkot na sabi ni JJ. Patuloy naman sa pag-alo at pagdamay sa kaibigan si Paul. Baka kasi maka-apekto ang nangyari sa mental health ni JJ at sa trabaho nito.