Home / Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 6 - Masamang Panaginip

Share

Chapter 6 - Masamang Panaginip

Author: Megan Lee
last update Last Updated: 2025-03-11 12:13:45

Chapter 6 – Masamang Panaginip

Sa wakas, nakauwi na rin ako sa bahay. Isang malaking kabawasan sa aking depression ang pagkakaroon ko ng monthly period. Naibsan ang pangamba kong baka ako mabuntis dahil sa pananamantala sa akin. Yung ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi ako makakain at makatulog.

Yung nangyaring rape sa akin, puwede kong itago. Pero kung magkakaanak ako dahil sa rape na iyon, yun ang hindi ko pwedeng itago. Isang napakalaking kahihiyan ang na-rape ako, hindi lang sa akin kung hindi sa mga kapatid at magulang ko, tapos sasamahan pa ng pagkakaroon ng anak? Yan ang hindi ko na kaya!

Habang nakahiga sa aking kuwarto, saka ko lang naalalang buksan ang aking cellphone. Naku po! Mahigit 100 na yata ang mga messages ko, sangkatutak na miss calls at texts at lima ang nasa inbox ng email ko. Una kong binuksan ang email ko. Yung isa galing sa Presidente ng De La Salle University para batiin ako bilang highest pointer sa pagkapanalo ng aming team sa basketball. Sumunod na email ay mula sa Dean ng College of Business para sabihing kabilang na naman ako sa Dean's list ng college. Pangatlo ay mula sa coach ng basketball team namin at tinatanong kung sasama daw ba ako sa Hongkong bilang premyo ng pagkapanalo namin sa liga. Yung ika-apat ay mula sa UCLA o University of California- Los Angeles para sabihing tinatanggap nila ako para mag-aral sa kanilang unibersidad sa College of Business na major in Marketing, Advertising and Public Relations sa UCLA Extension.

Tuwang tuwa naman ako sa aking mga accomplishments. Kung hindi nangyari ang buwisit na rape na ito, ako na yata ang isa sa pinakamasuwerteng 18-years old sa Pilipinas! Dali-dali akong bumaba ng aking kuwarto at hinanap sina Papa at Mama. Lahat sila kasama ang mga kuya ko ay nag-uusap sa aming sala. Tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Kaya naman bigla akong napahinto sa aking kinatatayuan at sabay sabay silang lumingon sa akin. “Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” takot na tanong ko.

“Uh? Bakit ka naman namin pag-uusapan, e magaling ka na!” sabi ni Kuya Phillip.

“O, ano naman ang sasabihin mo na parang hindi na nakapag-antay?” tanong ni Kuya Hunter.

“Ha? Huwag na lang kasi parang seryoso ang pinag-uusapan ninyo!” sagot ko.

“Ano nga????” tanong ulit ni Kuya Hunter.

“Mama, Papa. Nakapasa po ako sa UCLA College of Business major in Marketing, Advertising and Public Relations. Nag-email din po ang Dean namin sa College of Business, sinasabing kabilang na naman ako sa Dean's List ng College.” masayang balita ko sa kanila.

Habang nagsasalita ako ay nakatitig sa akin ang mga magulang ko at mga kuya ko. Parang tuwang tuwa silang marinig ang boses ko at ang very animated na pagbabalita ko sa kanila.

“O, bakit ganyan ang tingin ninyo sa akin?!?! Masama ba ang binalita ko?” nagtataka kong tanong sa kanila.

“Masaya kami para sa iyo. Higit sa lahat, masaya kami dahil nagbalik na ang George na kilala namin.” maluha luhang sabi ni Kuya Phillip at niyakap niya ako. Nakiyakap na rin si Kuya Hunter.

“Hay... ang mga anak natin, very close talaga sila sa isa't isa.” sabi ni Mama na naiiyak na rin sa kanyang nakikitang pagbabago ko at sa pagmamahal ng mga kapatid ko sa akin.

Dahil Sabado, lahat kami ay nasa bahay. Masaya kaming kumain ng tanghalian. Tulad ng dati, kuwentuhan, biruan at alaskahan. Pagkapananghali ay naidlip ako sa aking kuwarto. Muling nanumbalik sa aking panaginip ang nangyari sa akin nung gabing ma rape ako.

Sa umpisa ay hinahaplos ako ng lalaki at hinahalikan sa aking leeg. “Ahhh!!!” impit kong sabi. Napakasarap ng aking pakiramdam. Sa aking panaginip ay parang nasa limbo ako. Dinilat ko ang aking inaantok na mga mata. Bagamat madilim ay naaaninag ko mula sa ilaw ng lampshade na guwapo siya, matipuno ang katawan at napakabango! Sa paghaplos ko sa kanyang katawan ay parang ang kinis kinis niya. Flawless! Kung ganito ang boyfriend ko, aba maiingit ang mga kaibigan ko! Mapapatunayan ko sa kanila na hindi pala ako true blue na tibo!

Sa aming foreplay ng lovemaking, naaninag ko na may tatoo pala ang lalaki sa kaliwang dibdib. Maliit lang ang tatoo mga two inches lang, makulay at tila isang ibon.

Nang tila ipapasok na ng lalaki ang kanyang pagkalalaki sa akin, naramdaman ko ang sakit kung kaya malakas ko siyang tinulak. “Huwag!!!” malakas kong sigaw. Bigla akong bumalikwas sa kama. Panaginip lang pala! Masamang panaginip na patuloy na gumugulo sa aking diwa.

Narinig ito ng Kuya Phillip ko na kadarating lang mula sa opisina. Sinilip niya ako sa aking kuwarto. “George? Bad dream again? Yun pa rin ba?” may pag-aalalalng tanong ni Kuya Phillip.

“Oo kuya! Yun pa rin! Hindi ko maiwaksi sa aking isipan ang nangyari.” umiiyak kong sabi.

“Kalimutan mo na yun. Siguro, it's time for you to have a change of scenery. Kakausapin ko sina Papa at Mama na sa States ka na lang mag-aral. Doon mo na tapusin ang kurso mo tutal dalawang taon na lang at graduate ka na. New environment, new life. Para hindi mo na rin maala

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 160-Kung Alam ko Lang!

    Chapter 160 – Kung Alam ko Lang!“We have a basketball court?” tanong ko kay James.“Opo, pero half court lang! Para sa iyo.” sagot ni James. “Gusto mong maglaro tayong dalawa ngayon!”“Why not!?!” Kaya mo ba akong talunin?” hamon ko kay James. “Nasaan ang bola?”“Nandito lang yun! Kasama iyon nung binili ang board.” sabi ni James. Nakita naman niya ang bola.Naglaro nga kami ni James ng basketball habang si JJ naman ang taga-cheer! Iniikot-ikutan ko lang ng pagdidribble ng bola si James. Hindi niya ako maharangan hanggang sa nai-shoot ko ang bola. Kapag hawak naman ni James ang bola ay man to man ang pag-guwardiyang ginagawa ko na halos idikit ko na ang katawan ko sa kanya kaya nadidistract siya. Kapag nawala na siya sa focus ay naaagaw ko ang bola sabay shoot! Nang ako naman ang nag-dribble ng bola ay niyakap niya ako para hindi ako makagalaw! “Foul!” sigaw ko. “Holding foul ka and that is a personal foul!” “Foul na kung foul! Basta gusto kitang kayakap!” tatawa-tawang sab

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 159-Pinagtagpo ang Mag-ama.

    Chapter 159-Pinagtagpo ang Mag-ama.Biglang pumasok ng kuwarto si Paul ng hindi man lang kumakatok kaya nakita niya ng halikan ko si James. “Sorry! May nagpi-PDA pala dito! Kumusta na si JJ?” tanong ni Paul dahil nakita niyang tulog na ito.“JJ is fine! Lalabas na nga siya ng ospital bukas!” sagot ko. “Teka, paano mo nakilala si JJ?” Ano yang papel na hawak mo?”“Ha?..A...e..Para kay James ito!” sagot ni Paul sabay abot kay James ng papel kaya bigla itong tumayo mula sa sofa. Binasa niya ang papel sa tabi ng bintana para maliwanag. Nagpabago-bago ang ekspresyon ng mukha ni James. Lumapit ito sa akin at bigla akong hinalikan sa bibig.“Whoa!!! Hello??? Nandito pa ako!” gulat at parang nahihiyang sabi ni Paul.“Salamat!!!” sabi ni James sa akin pagkatapos niya akong halikan. Samantalang si Paul na tila nahihiya ay tinitigan ang natutulog na si JJ.“James? Di ba siya yung bata sa Makati Sports Plaza noon na lumapit sa iyo. When was that? One year ago?” tanong ni Paul kay James. “Si

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 158-Do the Math!

    Chapter 158-Do the Math!Nabuhayan kaming lahat ng loob, lalo na ako, ng magising at magsalita si JJ. Lahat kami ay naluluha sa galak.“JJ, Mommy is here!” sabi ko kay JJ sabay haplos sa kanyang buhok.“Daddy is also here, son!” sabi naman ni James.“Mommy, Daddy!” mahinang sagot naman ni JJ.“Uncle Phillip, don't let Mommy and Daddy be separated! I love them both !” pakiusap ni JJ sa Uncle Phillip niya. “I just had my Daddy, please!”“JJ, nobody is separating. I am mad at them because they are both hardheaded! They love each other, and yet they don't want to be together!” paliwanag ni Kuya Phillip.“You see son, love is complicated!” sabi ko sa kanya.“Then, uncomplicate it! It's simple!” sabi ni JJ.“Para naman kaming sinampal ng anak namin. Eto kami, matatanda at may-isip na, pero mas may-isip pa pala ang anak namin!” nangingiting sabi ni James. “Don't worry son, from now on, I will be staying at Mommy's house until our new house is finished.”Talaga, Daddy? Yeheyyyyy!!!!

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 157. Maghiwalay na!

    Chapter 157- Maghiwalay na!“Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ni George noon, hindi sapat ang paghingi ng tawad lang!” sabi ni Kuya Phillip. “Ako ang naging piping saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ni George mula sa hotel kung saan nangyari ang ginawa mo sa kanya hanggang sa ipanganak niya si JJ.“Pinanganak nya si JJ??” nanlulumong sabi ni James sa sarili. “Nag-iisa sya at wala ako sa tabi niya?”“Alam mo ba ang hirap at sakit na pinagdaanan ni George na ikaw lahat ang may gawa? Hindi ito alam nina Papa, Mama at Hunter! Muntik ng mamatay si George dahil sa overdose ng sleeping pills, muntik na rin siyang mamatay ng saksakin siya ng tao mo sa opisina, muntik na rin siyang mamatay ng ipanganak niya si JJ sa Aklan. Lahat ng iyon ay dahil sa iyo!” pahayag ni Kuya Phillip. “Lahat ng iyon ay matapang na hinarap ni George ng mag-isa. Sabi ko nga sa kanya, ang mga kasawian at problema niya ang nagpalakas sa kanya. Hindi siya magiging ganito ngayon kung hindi siya pinatapang ng mga

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 156-Anak ni James

    Chapter 156-Anak ni JamesPagpasok ni James sa kanyang opisina kinalunesan ay tinawagan niya si Paul. “Hello, Paul! May request sana ako sa iyo, pare. Alam ko kasing marami kang contact sa mga ahensiya ng gobyerno. May kakilala ka sa Philippine Statustics Office?” tanong ni James.“Bakit? May ipapahanap ka bang tao?” sagot ni Paul.“Meron sana!” sabi ni James. “Natatandaan mo yung batang lalaki sa Makati Sports Club noon na ang sabi mo ay kamukha ko? Could you check yung birth certificate nya? Kung puwede, kumuha ka na rin ng kopya? Hindi ko alam ang birth date niya, Birth year siguro. Pero alam ko ang kumpletong pangalan nung bata at ng mga magulang niya.”“Hindi ako sure kung mareretrive ang birth certificate ng bata. Normally kasi, dapat alam mo ang kumpletong pangalan ng bata, birth date, birth place, at pangalan ng mga magulang.” paliwanag ni Paul. “Anyway, susubukan ko doon sa kakilala ko. Ano ang pangalan ng bata?“Ang pangalan ng bata ay James John Razon Vergara. Taong

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 155-Galit sa Cheaters

    Chapter 155 – Galit sa Cheaters.“Daddy lolo, Mommy lola! This is my Daddy!” pakilala ni JJ sa mga magulang ko.“Daddy???” nagtatakang sabay na bigkas nina Papa at Mama. Sinenyasan ko sila na tumahimik muna.“Yaya! Pakikuha muna si JJ, punasan mo at palitan ng damit.” tawag ko kay yaya.Pagkaalis nina JJ at yaya. “Finally, you two are back together! Salamat sa Diyos!” masayang sabi ni Mama.“Ah, opo! Matagal na! Hinihintay ko na lang po na matapos ang pinapagawa kong bahay sa Corinthian Hills. Actually, tapos na ang bahay! Interior decorations na lang po ang kulang!” sabi ng James sa mga magulang ko.“So, when do you plan to move in?” tanong naman ni Papa.“Any time soon po! Depende kay George!” sagot ni James. “At gusto ko kasing si George ang mag-asikaso ng interior ng bahay batay sa gusto niya!”“E, si JJ? Kilala ka na ba niya?” tanong ulit ni Papa.Dahil ayaw ni James na nadismaya ang mga magulang ko kaya nagsinungaling siya, “Opo! Daddy na nga ang tawag niya sa akin!” sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status