Chapter 8 – Ang mga Sikreto
Limang buwan makalipas ang rape na nangyari sa akin, lumipad ako patungong California upang doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral ng kolehiyo sa UCLA. Pumayag din ang mga magulang ko na doon na ako magtapos sa paghimok na rin ni Kuya Phillip. Titira ako sa nakatatandang kapatid ni Mama na isa ng US citizen sa California na nakapangasawa ng isang amerikano. May tatlong anak sila na halos kasing edad ko rin. Ayaw kasi ni Mama na sa dormitoryo ako tumira. Gusto niya ay may makakasama ako at susubaybay sa akin.
Bago ako umalis ng Pilipinas ay nag-usap kami ni Emma na aking bestfriend. Sa isang restaurant sa BGC kami nagkita. Ayaw ko ng makasamuha ang mga tao lalo na ang mga lalaki dahil sa tingin ko ay gagawa ang mga ito ng masama sa akin. Pinapagamit na sa akin ni Kuya Phillip ang isa niyang kotse para maka-iwas ako sa mga tao.
Sa loob ng restaurant, masinsinan kaming nag-usap ni Emma. “Bakit naman ora-orada ang pagtransfer mo ng school? Sa States ka pa mag-