LOGINChapter 7 – May Konsiyensya ang Rapist?
Sa kabilang banda, kausap ng lalaking nang-rape sa akin ang kanyang kaibigang nagbook ng kuwarto sa hotel na si Paul Ventura sa kanyang opisina. “Paul, ano yung sinasabi mong hindi natuloy ang pagpunta ng babae sa kuwarto ko sa hotel?” sabi ng lalaki. “ E sino yung babaeng pumasok doon?” “Hindi ko alam! Baka …. Hindi ko alam! Tumawag kasi sa akin yung handler ng babae na hindi matutuloy ang appointment niya sa iyo dahil namatay raw ang ama nito!” sabi ni Paul Ventura. “Tang ina!!!! Sino yung babaeng iyon?” sigaw ng lalaki. “Sa ating dalawa lang ito, ha? Pero virgin yung babaeng nakaulayaw ko kagabi! Nagtataka nga ako dahil kung prosti yun, hindi na yun virgin!” “Ano??? Virgin??? Ang suwerte mo JJ! Bihira na ang mga virgin ngayon!” excited na sabi ni Paul Ventura. “Ano ang hitsura ng babae? Baka naman pangit!” “Anong pangit?!? Maganda, matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok! Ang naalala ko may balat siyang kulay pula na kasinglaki ng beinte singko sa bandang dibdib.” sabi ni JJ. “Nakita mo pa yun? Nakilala o namukhaan ka ba niya? Delikado ka nyan baka hanapin ka nun at idemanda ka ng rape!” worried na sabi ni Paul. “Hindi ko alam! Kasi habang naglolove-making kami ay bigla niya akong tinulak dahil masakit raw at parang naalimpungatan siya sa kanyang pagtulog! Hindi ko na mapigilan ang aking sarili kaya pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Nang tapos na ako ay tumakbo siya sa banyo at nagkulong, kaya nakita ko angbakas ng dugo sa kama. Dali-dali akong nagbihis at umalis. Ngayon nakokonsiyensya ako! Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari! Hindi ako masamang tao pero sa nangyaring ito parang napakasama kong tao!” bulalas ni JJ. “Gusto mong makita kung sino ang babae? Madali lang iyan! Kilala ko ang manager ng Shangrila Hotel. Pwede nating tingnan ang CCTV footage nung gabing iyon! Discreet lang tayo. Ipapakopya ko yung parteng pumasok ang babae sa kuwarto mo at ang pag-alis niya. That way, mamumukhaan mo siya.” suhestiyon ni Paul. “Kung mamumukhaan mo naman, ano ang gagawin mo?” Hahanapin mo siya? Paano mo hahanapin? Saan mo hahanapin? Napakalaki ng Maynila. Baka hindi rin taga-Maynila yan, baka taga-probinsya.” “Hindi ko alam ang gagawin ko!” sabi ni JJ habang sinasabunutan nito ang kanyang buhok. ”Ayaw ko lang na me naagrabiyado akong tao. May kapatid din akong babae. Kung hindi ko man siya makita, habang buhay kong dadalhin ito sa aking konsiyensya!” “Sige, pumanatag ka dyan at pag nakakuha ng ako ng CCTV footages, tatawagan kita.” paalam ni Paul. Makaraan ang isang linggo ay bumalik si Paul sa opisina ng lalaki dala dala ng isang USB flashdrive kung saan naka-record ang CCTV footage sa hallway ng kuwarto ng hotel. “Eto na ang recording noong gabing iyon. “Kinakabahan nga ang Hotel Manager ng ibigay sa aking yan. Kailangan daw ng court order bago ilabas yan dahil sa customer confidentality. Nakataya ang trabaho niya dyan. Siniguro ko sa kanyang walang makakaalam nito kung hindi kaming dalawa lang.”sabi ni Paul. Kinuha ni JJ ang flashdrive at ipinasok ito sa isang laptop at pinanuod ang footage. Doon, makikita ang pagpasok ni JJ sa kuwarto. Pagkaraan ng isang oras, isang matangkad na babae naman ang pumasok sa kaparehong kuwarto. Parang lasing ang babae dahil hindi diretso ang lakad nito. Sa pintuan ng kuwarto, tila natigilan ang babae dahil bukas na ang kuwarto gayung hindi pa nito ginagamit ang kanyang keycard pero pumasok pa rin ang babae sa loob. Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas na ng kuwarto ang lalaking kilala ni Paul na tila nagmamadali. Ang sumunod namang makikita ay may pumasok na isang lalaki na pinagbuksan ng babaeng matangkad. Pagkaraan ng kalahating minuto ay sabay na lumabas ang lalaki at babae. Nakaakbay ang lalaki sa babae na parang umiiyak patungo sa elevator. “Puwede bang izoom-in yung mukha ng babae?” tanong ni JJ. Sinubukan ni Paul ang pag zoom in sa mukha ng babae sa video. “Yan na ang pinakamalalaking mukha ng babae. Malabo na!” sabi ni Paul. “Sa kilos at pananamit ng dalawa, parang mga disenteng tao ang mga ito. Ang babae mukhang devastated sa nangyari sa kanya.” “Yun na nga! Paano ko siya hahanapin? Paano ako hihingi ng tawad sa kanya!” desperadong sabi ni JJ. “Paano kung mabuntis siya? Dagdag na pasakit sa kanya iyon! Isa pa, kung saka-sakali, may anak akong magigimg bastardo!” “Wala na tayong magagawa dyan. Ipasa Diyos na lang nating ang nangyari. Besides, it is not your fault. She was the one who entered your room.” pampalubag loob na sabi ni Paul. “Isa pa sinubukan mo siyang hanapin at kilalanin. Both of you were victims of circumstances.” “Diyos ko po! Napakabigat sa dibdib ang nangyari. Isang panandaliang ligaya, habang buhay na sakit ang naging resulta. Buong buhay kong dadalhin ito sa aking kunsiyensya.” malungkot na sabi ni JJ. Patuloy naman sa pag-alo at pagdamay sa kaibigan si Paul. Baka kasi maka-apekto ang nangyari sa mental health ni JJ at sa trabaho nito.Chapter 252 -Happy EndingAng pinakahuli sa programa ng kasal ay ang wedding dance. Nauna kaming sumayaw ni James. Panay ang bulong niya sa akin ng “I love you at Thank you!” Sumunod naman kaming sumayaw ni Papa at pagkatapos ay ng Daddy ni James. Malapit ng matapos ang tutog sa sayaw namin ng Daddy ni James ng may tumapik sa balikat nito. “May I have this dance?” sabi ng lalaki na pamilyar sa akin ang boses.“Jessie?!?!?” gulat kong sabi sa kanya. “Why are you here? When did you arrived?”“Why? Am I not invited to my bestfriend's wedding?” sagot niya sa akin. “James invited me! Even on such a short notice, I tried my best to attend your wedding! I just arrived this morning and my return flight to California is this evening.”Naiyak naman ako sa sinabi ni Jessie. “You truly are my bestfriend, Vice-Governor! Thank you!”Bagama't sa tingin ng mga naroroon, hindi nararapat ang ginawi ko, hinalikan ko siya sa pisngi at hinilig ko ang aking ulo sa balikat ni Jessie. Nang itaas ko an
Chapter 251- Full Circle. Nang matapos na aming wedding vows kung saan magkahawak kamay kami ni James ay nagpalitan na kami ni James ng singsing na dala naman ni Jorgie. Finally, sinabi ni Father Reyes, “I now pronounce you man and wife! James, you may kiss the bride!”Itinaas ni James ang belong nakatakip sa mukha ko at banayad niya akong hinalikan sa labi. “I love you! I am saving the french kiss tonight!” pabirong sambit ni James na ikinatawa ng lahat sa simbahan.Nang sumakay na kaming dalawa ni James sa limousine patugong reception, “Saan naman ang wedding reception natin?” tanong ko sa kanya. “Clueless talaga ako sa kasal natin!”“Saan pa? E di sa Makati Shangrila Hotel.” nakangiting sabi ni James.“SSSaa ssaa.... Makati Shangrila?” sagot ko at bigla akong namutla at nanlamig. “Alam mo namang may phobia ako sa hotel na yun! That's were I lost my.......”“George! Look at me! Namumutla ka at nanlalamig!” may pag-aalalang sabi ni James habang hawak niya ang aking mga kamay n
Chapter 250 – December 25, D-Day!“December 25, araw ng pasko, araw rin ng aking kasal! Hindi ako gaanong nakatulog kagabi kahit na katabi ko si James. Marami akong iniisip sa mga mangyayari sa araw ng kasal ko. Kagabi pa dumating sina Alec dala ang wedding gown ko at mga tuxedo nina James, JJ, Jorgie. Sa bahay na rin namin sila natulog. Sa bahay naman nina Mama ay kahapon ng umaga hinatid nina Alec ang mga susuotin nina Mama, Papa at mga kuya ko. Puring-puri nina Mama, Papa at mga Kuya ko ang mga tinahi ni Alec para sa kanila. “Maganda, pulido at sukat na sukat ang mga gawa ni Alec!” sabi ni Mama sa telepono. Hindi namin sinukat ni James ang mga damit namin na dala nina Alec kagabi dahil sa pamahiin.Maaga akong nagising nung araw ng kasal ko dahil dumating na ang mga make-up artist, stylist, at video-photographer. Sinabihan ko si yaya na pakainin na ang mga bata ng almusal gayun din si James. Sa kuwarto namin ni James ako magme-makeup at magbibihis. Mabilis akong naligo. Ha
Chapter 249 - Church Wedding?“May duda na ako noon dahil palagi ka ng gabi kung umuwi at umaalis tuwing weekend, at ang paalam mo ay may business meeting ka! Pinatawagan ko ang secretary mo kay Ana at sinabi nitong maaga ka laging umaalis ng opisina at wala kang scheduled business meeting tuwing weekend. Ang hinala ko ay nagkatotoo ng makita ko kayong dalawa ng Sweetie mo!” malungkot kong sabi. “Mabilis akong nagpasya na lumayo muna. Hindi umuwi dito. Kaya nagpunta ako sa La Union para mag-soul searching.”“Noong makita mo kami sa elevator ni Sweetie ay papunta kami sa food tasting ng mga pagkaing napili ng Mama mo para sa kasal. Actually, magkikita na lang kami ng Mama mo sa restaurant noong hapon na iyon. Hindi yun natuloy dahil binalikan kita sa office pero, wala ka na doon. Hinintay kitang umuwi, hindi ka dumating. Trinack ko ang cellphone mo kaya nalaman kong nasa La Union ka. Isa pa, tinawagan ako ni Paul pagkatapos ninyong mag-inumang dalawa at sinabi niya sa akin ang sinab
Chapter 248 - Third Wedding!“Libre??? Hindi pwede! Sa sobrang ganda ng gown na ito, malaki ang ginastos mo dito!” sabi ko kay Alec.“Medyo malaki nga dahil sa mga crystals na nilagay ko! Pero think of it as my wedding gift to you. Ang gusto ko kasi prinsesa ang peg mo. Tapos isang fairy tale wedding ang theme na gusto kong mangyari sa kasal mo. Isa pa, ako rin ang gumawa ng mga gowns na susuotin ng Mama, Mommy ni Boss James at Jasmine. Ako rin ang tumahi ng tuxedo nina James, ng mga anak mo, ng mga tatay nyo at mga kuya mo kasama na rin yung kay Paul na abay. Mura rin lang ang singil ko sa mga ito kumpara sa mga singil ng mga sikat na designers. Sobrang laki ng natipid ni Boss James sa mga ito!” sabi ni Alec.“Salamat, Alec!” sabi ko at niyakap ko siya dahil walang pagsidlan ng saya sa akin ang mga ginawa nya.“Ang pinaka-importante, isang napakalaking promotion para sa akin itong kasal mo! Biro mo, “Victoria Secret Model wedding, dressed by Alec!” Lalong makikilala ang mga
Chapter 247 - Wedding Gown?“Pina-asa mo lang pala ako!” disappointed kong sabi kay James. Nakita ni James ang pagkabigo sa mukha ko kaya niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Napapangiti naman si Ruel sa nakikita at naririnig niya sa amin ni James.Pagsapit namin sa bahay, nandoon sina JJ, Jorgie na inaabangan ang aming pag-uwi.“Mommy!!!!” sabay na sigaw ng mga anak ko habang sinasalubong nila ako sa may pinto. Yumakap ang dalawa sa beywang ko kaya nakiyakap na rin si James. Mga ganitong eksena ang nagpapaligaya sa puso ko.“Come on Mommy, let's eat!” aya ni JJ sa akin.“Parang ang dami yata ang niluto ni Inday! May okasyon ba?” tanong ko.“Meron! Umuwi ka na, eh!” sagot ni James.Habang kumakain kami, biglang dumating si Alec at may kasamang dalawang bading. “Naku, tamang-tama pala ang dating namin! Tanghalian na!” “Alec! Paano mo nalaman ang bahay namin? Bakit ka nandito? May fashion show ka ba ulit?” sunud-sunod kong tanong. “Halika na kayo, kain na!”12-seater kas







