“Kaibigan ko si Damon, hindi mo ba narinig?” may inis ang boses ni Troy nang sagutin ko ang tanong sa akin ni Kute kung ano ang ginagawa ko dngio ngayon
“Kung sa tingin mo, sinusundan kita, don’t flatter yourself too much!” dagdag pa niya
Alam niya na kaya siya nagkakaganito ay dahil sa galit sa pag-iwan ni Kute sa kanya ng dalawang beses. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili sa isang babaeng babayaran na matapos gamitin ay iiwan na lang.
Well, mabuti nga sila, may bayad! Eh siya?
Napailing na lang si Troy pagkukumpara niya sa kanyang sarili at nakita niya na mataman siyang tinitignan ni Kute.
“So boyfriend mo pala yun?” tanong pa niya at narinig pa niya ang pagbuntong hininga ni Kute
“Sinabi ko na sa iyo, hindi ko pwedeng sabihin sa iyo!” ani Kute kaya natawa siya ng mahina
“Ano ba ang totoo sa iyo, Kute? Or Cassandra Ann Tecson? Or Penelope Allona Mediavilla? Sino ka ba talaga?” tanong pa ni Troy
Umiling lang si Kute and somehow, pakiramdam ni Troy, para lang din itong si Herea