Pinakasalan ni Lance Villavicencio si Freeshia Natalia Altamonte dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya. Itinago niya ang asawa sa mata ng publiko at nang bumalik ang unang pag-ibig niya na si Celestine ay nagawa niyang pagtaksilan ito. Humingi ng Divorce si Freeshia at hinanap ang sarili niya at nang bumalik siya sa bansa after two years ay nagkita silang muli ni Lance. At ngayon, ang dating asawa na nanloko sa kanya started to flirt with her and wants her back at para itong asong ulol na habol ng habol sa kanya!
Lihat lebih banyakNanginginig ang kamay ni Freeshia habang hawak niya ang kanyang cellphone. Mataman niyang tiningnan ang mga larawang ipinadala ng private detective that she hired para sundan ang asawa niyang si Lance Villavicencio.
Halos madurog sa kamay niya ang telepono dahil sa galit na pumuno sa dibdib niya. So all along tama ang hinala niya na may babae si Lance at kung hindi siya dinadaya ng paningin niya, kilala niya ang babaeng ito.
She is Celestine Rivera, ang highschool sweetheart ni Lance.
Pinigilan niyang maiyak lalo pa at kakagaling lang niya sa doctor. Ayaw niyang makaramdam ng stress lalo pa at kakatapos lang ng fertility shot na ginagawa na niya halos buwan buwan.
Apat na taon na silang kasal ni Lance at bagama’t alam niya na hindi ito kagustuhan ng asawa ay wala itong nagawa nang itakda ang kasal nila.
Matagal na siyang may gusto kay Lance kaya naman napakasaya niya nang itakda ng pamilya nila ang kasal. Nandoon ang pag-asa niya na matututunan din siyang mahalin nito.
Magkaibigan ang mga magulang nila at dahil gusto nila na mas patatagin ang korporasyon ng pamilya, itinakda ang kasal nilang dalawa.
But he was cold and distant. Sa loob ng mga taon na mag-asawa sila ay naramdaman niya ang katigasan ng puso nito. Alam niya na galit ito sa kanya kaya naman kahit masakit at mahirap, pumayag siya sa kagustuhan nito na ilihim ang kasal nila.
“Kasal lang tayo sa papel, Freeshia! Don’t expect me to love you dahil alam mong hindi ko yan magagawa!”
Ang mga katagang yan ang sumugat sa puso niya sa loob ng apat na taon. Hindi lang sa salita, pero pati na sa gawa.
“Pagbalik natin sa Maynila, doon ka titira sa townhouse na binili ko para sayo.” matabang na sabi ni Lance bago sila ikasal
Sa Ancestral house ng mga Altamonte na nasa probinsya sila ikakasal ayon na din sa hiling ng magulang ni Freeshia.
Napakunot ang noo ni Freeshia dahil para sa kanya, ang mag-asawa dapat magkasama.
“Lance…hindi ba?”
“Kakasabi ko lang hindi ba? Kasal lang tayo sa papel! Uuwi naman ako doon pag kailangan!”
Natahimik si Freeshia sa sinabi ni Lance. Tama ba ang narinig niya? Uuwian lang siya kung kailan niya gusto.
Hindi na siya nagsalita dahil alam naman niyang hindi niya mapipilit si Lance. Wala siyang magagawa pero pipilitin niyang tunawin ang galit nito sa kanya.
At ganun ang ginawa niya sa loob ng apat na taon. Minsan o dalawang beses sa isang buwan, umuuwi si Lance sa townhouse. Ipinagluluto niya ito at inaasikaso at natutuwa naman siya na hindi siya tumatanggi.
Ginagawa niya ang obligasyon niya bilang asawa. Pinapaligaya niya si Lance sa paraang alam niya, hoping na kapag mabuntis siya, maiisipan nitong buuin na ang pamilya nila.
For three years nasanay na siya sa ganung set-up pero nung mga nakaraang buwan, nag-iba na si Lance. Hindi na ito umuuwi sa townhouse kaya labis ang pag-aalala niya.
Kapag tinatawagan niya ito, pinaparamdam niya ang disgusto dito. Nagagalit siya at wala siyang magawa kung hindi ang umiyak at maawa sa sarili.
“Lance…?” pumiyok pa ang boses niya nang sagutin ni Lance ang tawag niya
“What?!” mararamdaman mo ang inis sa boses nito na para bang kay laking abala ang pagtawag niya
“Uuwi ka ba mamaya?” pinilit ni Freeshia na patatagin ang boses niya kahit pa kanina pa siya naiiyak
“Bakit?! Ano na namang problema?”
“W-walang problema! Naisip ko lang matagal na tayong hindi nagkikita diba? Baka naman pwedeng umuwi ka mamaya?” pakiusap ni Freeshia sa asawa niya
Narinig pa niya ang buntong-hininga nito and she almost cried nang makarinig siya ng boses ng babae sa background. Tinatawag ng babae ang asawa niya.
Naalala niya ang sabi ng Private Detective na kanina lang kuha ang mga larawang pinadala sa kanya.
Papasok si Lance at ang babaeng kasama nito sa isang hotel. Magkahawak kamay at masayang-masaya.
“Sige..uuwi ako!” tensyonado ang boses ni Lance kaya hindi mapigilan ni Freeshia na magalit ng ibaba ni Lance ang telepono
Naisip ni Freeshia na ngayon pa ba mahihiya sa kanya ang asawa niya? Samantalang huling-huli na sila? At ramdam naman niya na matagal na siyang niloloko ni Lance.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago siya tumayo. She dialled Herea’s number at mabuti na lang sumagot ito agad.
“Kita tayo!” hindi na niya napigilang umiyak habang nakikinig kung saan sila magkikita ng bestfriend niya since highschool
Sumakay na siya ng kotse at dumeretso sa tagpuan nila. Gusto sana ni Freeshia na puntahan ito sa opisina pero nagbago ang isip niya kaya naman sa paboritong coffeeshop nila sila magkikita nito.
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Herea. Bakas ang galit sa mukha nito dahil alam niya na may problema na naman ang kaibigan.
“Ano na naman ang ginawa niyang magaling na asawa mo?” tanong nito kay Freeshia matapos ilapag ng waiter ang order nila
Hindi na nagsalita si Freeshia at ipinakita na lang ang mga larawang pinadala sa kanya kanina lang ng detective na kausap niya.
“Hayup talaga yang asawa mo! Hindi na nakuntentong itinago ka, ngayon naman nakuha pang mambabae?”
“Hindi lang siya basta babae, Her! Siya si Celestine, ang one great love ng asawa ko!” natawa ng pagak si Freeshia habang sinasabi niya ang katotohanang ito sa kaibigan niya
“Kahit na sino pa yan, hindi niya dapat ginagawa yan!”
Napaiyak na naman si Freeshia dahil tama naman ang kaibigan niya. Kasal sila! Kaya hindi niya ito dapat ginawa!
“Saan ka ba galing?” tanong ni Herea nang kumalma na ang kaibigan niya
“Sa doktor!” maikling sagot ni Freeshia kaya inikutan siya ng mata ng kaibigan
“At gugustuhin mo pa talagang magkaanak sa hudas na asawa mo kahit niloloko ka na niya?”
“Her, yun na lang ang pag-asa ko! Baka mahalin niya ako kapag nagkaanak na kami!” katwiran ni Freeshia
“Baka…so pwedeng hindi pa rin, tama? Alam mo tigilan mo na yan, Freeshia! Sinayang mo na ang buhay mo for four years kakahintay sa taong hindi ka naman kayang mahalin!” mahabang sermon nito sa kanya
“At mandadamay pa kayo ng bata? Pwede ba Freeshia, gamitin mo naman yang utak mo!” gigil pang dagdag ni Herea
“So anong gagawin ko? Sa palagay ko matagal na niya itong ginagawa buhat nung dumalang na siyang umuwi!” nalilitong tanong niya sa kaibigang galit na galit na ngayon
“If I answer you, gagawin mo ba?” taas kilay na tanong ni Herea pero nanatili siyang nakatitig sa kaibigan
“Divorce him! Now! Tutulungan kitang bumangon, huwag kang mag-alala!” prangkang sagot ni Herea
Divorce him?
Parang hindi yata kayang gawin ni Freeshia iyon. Pero durog na durog na siya, hindi ba? Para kay Lance, isa lang siyang basahan na dadamputin kapag kailangan at itatapon kapag ayaw na.
Kakayanin niya ba?
Paano ang mga magulang niya? Matatanggap ba nila ito?
Pagkatapos nilang magshopping ay lumabas na sila sa mall na iyon para bumalik sa resort. Excited na talaga si Herea na magpunta sa dagat kaya naman pagdating nila doon ay nagbihis na siya ng nabili niya two-piece bikini sa banyo. Pinatungan niya ito ng cover all at nagsuot lang siya ng flipflops.Paglabas ni Herea sa banyo ay nakita niya na nakahiga sa sofa si Adam at mukhanh natutulog ito. Mukhang pagod siya sa pagmamaneho kaya naman hindi na niya ito ginising at minabuti niyang lumabas ng kwarto dahil dagat na dagat na siya.Paglabas niya ng cabana ay naglakad siya para makapunta sa dagat. Padilim na pero may mga ilaw naman sa paligid kaya pwede pa siyang magswimming. Tinanggal niya ang suot niyang cover all at saka siya naglakad papunta sa pampang. Unti-unting naabot ng alon ang kanyang mga paa kaya naman nakaramdam siya ng kasiyahan. Naupo siya at hinayaan niyang mabasa ang kanyang katawan ng tubig mula sa along humahalik sa pampang.Tahimik ang paligid at wala siyang ibang nari
Sa buong biyahe nila hindi naman nakaramdam ng inip si Herea lalo na at naging mabilis lang ang biyahe nila since may mga bagong tayong expressway na sa bansa.Nagstop-over sila sa gawing Bulacan para kumain ng tanghalian since nagugutom na din naman sila.“Madalas ka ba dito? tanong ni Herea dahil nakikita niya kung paano kausapin ni Adam ang mga empleyado dito“Pag nagagawi ako dito, hindi pwedeng hindi ako kakain dito!” sagot nito sa kanyaNatawa ng mahina si Herea nung makita niya ang kilig na kilig na reaksyon nung isang waitress at ng kausap nito na kahera.“Why?” tanong ni Adam at nagkibit-balikat naman si Herea“Well, mukhang madalas ka nga dito! Seeing how this girls fantasize about you, makes sense!” Herea said kaya napangiti si Adam“I can feel some jealousy over there, love?”“I am not jealous! Bakit naman ako magseselos?” tanong niya dito and he just laughedSomehow, Herea is happy hearing him like this. Yung hindi siya mukhang biyernes santo at palaging pasan ang mundo.
Abot tenga ang ngiti ni Adam habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Kasama niya si Herea at papunta sila ngayon sa location para kausapin ang mga gagawa ng renovation sa opisina ni Herea.Hindi niya alam kung talagang nagkaroon ng emergency si Lucas kaya hindi niya masamahan si Herea ngayon. O sinadya niya ito para magkaroon sila ng panahon para magkasama ng dalaga.Hindi naman kumikibo si Herea dahil hindi niya talaga gusto na kasama si Adam. Wala kasing tigil ang tibok ng puso niya ng malakas at hindi niya iyon nagugustuhan.“Okay ka lang?” tanong ni Adam sa kanya na napansin marahil ang hindi niya pagkibo“Yeah!” sagot naman ni Herea“Are you still upset with me?” tanong ulit ni Adam kaya hindi naman malaman ni Herea ang sasabihin“I am not!” simpleng sagot niya“Yes you are! Huwag ka ng magalit sa akin!” pakiusap ni Adam kaya napahinga na lang ng malalim si Herea“Hindi ako galit! Nagtataka lang ako kung ano ba ang plano mo at ganyan ka?” tanong ni Herea sa binata“Bakit? Nakakapagt
“Nakaalis na si Lucas?” tanong ni Herea kay Adam nung makapasok na siya sa pinto buhat sa paghahatid niya sa kanyang kaibigan“Yeah! Bakit hindi ka pa nagpapahinga? You had a long day?” sabi ni Adam nung makita niya na tutok pa si Herea sa kanyang laptop“Tatapusin ko lang ito, Adam! Isa pa, sanay naman ako sa ganito! You could have seen me before and my bestfriend, Freeshia, lalo kapag may deadline kami!” sagot niya kay AdamLumapit si Adam at tumabi ito sa kanya kaya nakita niyo kung ano ang pinagkaka abalahan niya.She was designing the logo of her new business pati na din ang ayos ng kanyang bagong office.“That looks beautiful, Herea!” sabi ni Adam pero nanatiling nakatutok si Herea sa screen“You should see Freeshia’s work! Mas magaling kaya siya sa akin!” “You miss her?” ani Adam kaya natigilan si Herea at napatingin siya sa binata saka siya mapait na ngumiti“I do, Adam! And I will do everything that it takes, kahit buhay ko pa yan, mapatawad niya lang ako!” sagot niya dito“
Napakunot ang noo ni Adam habang pababa siya ng hagdan dahil nakarinig siya ng ingay mula sa sala. He went down at nagulat pa siya nung makita niya si Lucas na mayang kausap ang kanyang Tito Stanley.Ano na naman kaya ang ginagawa ng isang ito dito?“Adam, nandyan ka na pala! Tara na sa dining at nagugutom na ako!” anang matanda at nakita niya na nakangiti sa kanya si Lucas“Naligaw ka yata?” tanong niya dito nung makalapit siya at tumayo naman ito “Hindi ah! Her invited me for dinner!” napataas ang kilay ni Adam sa narinig niya muli na naman siyang nakaramdamn ng inisAkala pa naman niya, nagluto si Herea para sa kanya at sa Lolo nito pero turns out na kasahog pala sa niluto niya si Lucas.“Really?” “Yeah! Pa-thank you daw niya dahil sa pagsama ko sa kanya kanina! Ang sweet niya no?” natawa naman si Stanley sa sinabi ni Lucas but Adam found it irritating“Alam ko na magkakasundo kayo ng apo ko Lucas! Kaya nga sa iyo ko siya pinasamahan. Busy na din kasi itong si Adam at ayoko na ri
Matalim ang tinging ipinukol ni Adam sa sekretarya niya matapos nitong itulak si Herea.Hindi alam ni Adam kung ano ang nangyari pero inabutan niyang sinisigawan ni Kristina si Herea at itinulak nga nito si Herea.“Why did you do that?” tanong ni Adam sa sekretarya niya na wala namang idea kung sino ba talaga si Herea“Sir, she is insulting me!” pagtatanggol ni Kristina sa sarili niya pero natawa naman si Lucas“Si Herea ba talaga ang nang-insulto o kayo? Ano na ulit yung sabi mo? Na kung saan lang napulot ni Adam si Herea? That she is cheap at isa lang siya sa babae ng boss mo?” sagot ni Lucas kaya naman biglang namutla si Kristina“Adam, hindi ba trained ang mga tauhan mo dito? Oras ng trabaho, pero nagtsi-tsismisan sila?” cool namang sabi ni Herea na nakatingin sa grupo ng mga babaeng kanina lang ay hinahamak siyaNapapikit si Adam at muli niyang binalingan si Kristina.“Gather your things, Kristina! Starting this day, I am firing you!” gigil na saad ni Adam kaya nanlaki ang mga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen