“Hanggang kailan mo ba balak itago yang babae na yan?” tanong ni Ralph kay Carlitos habang nasa library sila
Napaangat naman ang tingin ni Carlitos dito saka siya napailing.
“Why are you so caught up with Pen, Ralph? Nakita mo naman na sumunod siya sa pinagawa ko hindi ba?” sagot niya dito
Buhat kasi nung kunin niya si Penelope sa kanyang bar ay hindi na ito tumigil sa pagkontra sa kanya.
At nung pasukin ng kung sinong tao ang bodega nila ay ito agad ang pinaghinalaan niya.
Mabuti na lang nagawa nilang ilipat ang mga itinatago nila doon kaya naman nung magkaroon ng inspection ay wala ng inabutan doon ang mga pulis.
“Takot na takot nga siya, nakita mo naman, hindi ba?” dagdag pa niya pero hindi talaga maalis sa isip ni Ralph ang pagdududa
“Relax! Masyado kang nerbyoso! Hindi ang katulad niya ang magpapabagsak sa akin kung sakali! Isa lang siyang pok pok na kinuha ko sa putikan!” matapang na sabi ni Carlitos kaya hindi na nagsalita si Ralph
Lumabas na siya at nakita naman niya na pa