Kagabi pa tawag ng tawag si Troy kay Kute pero nakapatay ang telepono nito. He was worried lalo na nung mabasa niya ang mensahe nito kagabi na para bang nagpapaalam.
Halos ibalibag niya ang kanyang telepono out of frustration idagdag pa ang pag-aalala niya.
‘Kute don’t do this to me’ bulong niya habang sapo ang ulo niya
At wala siyang magagawa ngayon kung hindi ang magdasal na sana, makabalik sa kanya ang babaeng mahal niya.
Kung kay Herea nakaya niya, baka ngayon, tuluyan na siyang bumigay kung mawawala din ito sa kanya.
Nakarinig siya ng katok mula sa labas kaya napilitan siyang tumayo lalo at malakas ang paraan ng pagkatok ng kung sinong taong nasa likod ng pinto.
“Pare…” hinihingal na sabi ni Jorge habang papasok ito sa pinto nung tuluyan niya itong buksan
“Napano ka?!” tanong ni Troy sa kaibigan niya
Tinabihan niya ito sa couch matapos niya itong abutan ng tubig. Para kasing tumakbo ito ng kay layo-layo.
“Alam mo na ba ang balita?” tanong ni Jorge sa kanya matapos niyang uminom n