ALENA
'Nanany Clara!" agad kong sigaw ng makita ko si Nanay Clara na nakaabang sa akin habang pababa ako ng sasakayan. Nagmamadali akong lumapit dito at yumakap.
Hindi ko kasama si Nanay Clara dito sa bahay sa tagaytay. Nakiusap kasi si Ate Ansatasia na kung pwede doon na lang muna ito upang kahit papaano ay magiging panatag ang kanyang kalooban kapag iiwan ang mga bata sa kani-kanilang Yaya. Although mababait naman ang mga yaya ng mga anak ni Ate Anastasia pero iba pa din na kakilala mo ang nangangalaga sa mga ito.
Hindi naman kailangan na magtrabaho ni Nanay Clara. Ang gagawin niya lang ay titingnan kung maayos ba ang pag-aalaga ng maga Yayas sa mga baby ni Ate Anastasia.
"Kumusta ka na Alena? Naku! Lalo kang gumanda ah?" natutuwang wika ni Nanay Clara. Ngumiti naman ako dito. Pagkatapos ay binalingan ko si Erin.
"Sige na Erin, pwede ka ng umuwi sa inyo. Magpahatid ka na lang sa Driver para mabilis kang makarating sa bahay niyo." Wika ko dito. Masaya naman itong tumango at agad na