LOGINPaano kung malaman mo na isang malaking kasinungalingan lang pala lahat? Na pinaglaruan ka lang ng taong mahal mo? Alena Reyes, maganda, inosente at maraming pangarap sa buhay. Labis na nagtiwala at nagmahal sa taong akala niya ang ibibigay ang langit. Pero sa huli nalaman niyang isa lang malaking kasinungalingan ang lahat. Dahil ang lalaking mahal niya ay pag aari na ng iba at ang masaklap pa dahil sa isang pustahan kaya siya nito pinatulan. Makakabangon kaya sa pagkakalugmok ang isang Alena Reyes? Tunghayan natin ang kanyang kwento.
View MoreALENA POVTahimik akong nakamasid sa dalawang batang naglalaro sa buhanginan. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang binubuo ang isang kastilyong buhangin. Nandito kami ngayun sa isang tagong Isla sa Visayas. Pinili namin magbakasyon dito para makaiwas sa ingay at polusyon ng Manila. Isa pa gusto namin magkaroon ng quality time para sa isat isa. Nagiging masaya ang buhay namin simula ng muli kong patawarin si Justine. Tama nga sila, hindi ka magkakaroon ng kapanatagan ng kalooban kapag hindi mo papakawalan ang galit na nasa puso mo.Halos limang taon na kaming nagpapabalik-balik dito. Masaya, tahimik at sariwa ang hangin. Solong-solo ng pamilya namin ang buong lugar na ito. Matamis akong napangiti ng kumaway sa akin ang anak kong si Rhian. Yes....eight years old na siya ngayun. Kay bilis lumipas ng panahon. Ang bilis lumaki ng mga bata. Ilang taon pa ang bibilangin at may mga dalaga at binata na kami.Sinulyapan ko ang batang lalaki na masayang tumatawa
ALENAAgad kong inasikaso si Baby Rhian pagkagising ko. Kailangan kong makabalik ng hospital bago gumabi. Papalitan ko sa pagbabantay kay Justine sila Donya Amelia dahil uuwi daw muna sila ng bahay. Isa pa muling nagising si Justine kanina at hinanap daw ako."Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng makakasama sa hospital? Pwede kang magsama ng kahit isa sa mga kasambahay dito para naman may mautos-utusan ka doon." suhestiyon ni Nanay Clara pagkatapos kong sabihin dito na ako ang magbabantay kay Justine ngayung gabi. Bukas din daw gagawin ang surgery nito kaya kailangan ng support ng pamilya para hindi panghinaan ng loob ng pasyente."Kaya ko na ang sarili ko Nay. Pasensya na po kung kayo ulit ang magbabantay kay Rhian ngayung gabi. Babawi po ako sa inyo sa mga susunod na araw kapag maayos na ang lahat." sagot ko kay Nanay Clara."Nakuwww, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Masaya akong alagaan ang anak mo Alena." sagot naman ni Nanay Clara. Nakangiti naman akong nagpasala
ALENAKasabay ng pagkabog ng dibdib ko ang pag-uunahan sa pagtulo ng luha sa aking mga mata. Parang bigla akong nawalan lakas at biglang nanghina ang tuhod ko."Alena, diba kausap mo pa lang siya kanina? Tumawag si Marco kay Casper ngayun lang at ayun dito pagkatapos niyong mag-usap ni Justine nagyaya daw itong pumunta ng bar. Uminom daw ng uminom ng alak habang umiiyak at hangang sa malasing. Pagkatapos nagyaya na daw itong umuwi at tinanong ni Marco kung kaya pa niyang magdrive dahil ihahahatid nya na lang daw sa bahay nito. Kaya lang nag-insist si Justine na hindi pa daw siya lasing. Kaya pa daw niya ang sarili niya kaya naman walang ng magawa si Marco kundi hayaan ang kanyang kaibigan. Sinundan niya daw ito hanggang sa makalabas sila ng highway. Noong una maayos pa naman daw ang pagdadrive ni Justine pero nagulat siya ng bigla itong kumabig at ibinangga ang sasakyan sa kasalubong na truck." pagsasalaysay ni Ate Anastasia. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa matinding takot na
ALENAHindi naman ako ganoon kasama para hindi makaramdam ng awa sa sitwasyon ngayun ni Valerie. Kitang kita naman sa hitsura nito na nahihirapan ito ngayun. Pero hindi ko alam kung gaano ito kasensero sa paghingi ng tawad. Malaki ang kasalanan nito sa akin at hindi ganoon kadali ang lahat para kalimutan ko na lang basta basta. . Ngunit hindi din naman ako ganoon kasama para hindi ito tulungan sa kanyang problema kung totoong nagsasabi ito ng katotohanan. .Muli kong binalikan si Nanay Clara. Ilang minuto pa kaming nanatili sa garden hangang sa nagpasya akong pumasok na muna sa loob ng bahay para makapagpahinga. Kakausapin ko muna mamaya si Kuya Damon. Hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan si Valerie. Kung totoo mang maysakit ang anak nito, sino ba naman ako para pagkaitan ito ng tulong."Balita ko pinuntahan ka dito kanina ni Valerie?" agad na tanong sa akin ni Kuya Damon habang kumakain kami ng hapunan. Katabi nito si Erin. Agad naman akong tumango"Nanghihingi siya ng tulong Kuya
VALERIE POVPadabog akong naglakad pabalik ng kwarto pagkatapos akong talikuran ni Justine..Halos magliyab ang mga mata ko sa matinding inis. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang pakikitungo sa akin ni Justine. Ginawa ko na ang lahat para mahalin ulit nito pero parang wala lang ako
ALENAHinihingal ako habang nakaupo sa isang bahagi ng bangketa dito sa Metro Manila. Napakagulo ng paligid. Abala lahat ng tao na akala mo ay laging may hinahabol. Mausok ang paligid. Tagaktak na din ang pawis sa buo kong katawan. Sobrang init ng panahon. Nakatanaw ako kay Nanay Marta na noon ay m
ALENAEARLIERNagising ako ng may pumasok sa aking kwarto. Nakaidlip pala ako sa sobrang sakit ng katawan at sama ng pakiramdam. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napansin ko na si Joan pala ang dumating.May pag-aalala ang hitsura nito habang nakatingin sa akin. Agad itong lumapit sa higaan at
ALENANagising ako kinaumagahan na sobrang sama ng pakiramdam. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko din halos maigalaw ang aking balakangPakiramdam ko may sugat ako sa aking pagkakabae. Pati ulo ko ay parang binibiyak.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore