CHAPTER 22
3RD POV
“Sino ang naghatid kay Dominic dito?” Taka na tanong ni Apple sa kanya.
Tuwang-tuwa naman na lumapit sa kanila ni Damian, at ginising ang batang karga niya.
“Dala mo ‘yong car na binili ni Lolo?” Narinig niyang tanong nito sa bata, habang nakatingin lang ito kay Damian.
“Mommy, bakit ayaw magsalita ni Dominic?” Tanong nito, habang hinawakan ang kamay ng bata.
“S-sino ka?” Utal na tanong niya, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha.
“Ikaw yata ‘tong lasing Daisy, mukhang hindi mo na kilala ang anak mo.” Natatawa na wika sa kanya ni Apple.
“Akin na ‘yong phone ko.” Utos niya sa yaya ni Damian.
Nang i-abot ito sa kanya, ay mabilis niyang tinawagan ang kanyang ina.
“Dominic!!” Napalingon siya at nakita ang bukas na pinto.
“Nasa’n na siya?” Tanong niya, nang hindi makita ang bata.
“Mommy, tumakbo po palabas si Dominic.” Wika ni Damian, kaya dali-dali siyang tumakbo sa labas.
“Sandali nga! Ano bang nangyayari? At bakit parang takot na takot ‘yon