LOGIN"Sa tingin mo mamahalin kita? Hinding-hindi kita magawang mahalin Anna, kaya 'wag mo ng ituloy pa ang pagpapakasal saakin!!" "Alam kung matutunan mo rin akong mahalin Dylan, kaya pakiusap.. Pakasalan mo ako.." "Hinding-hindi kita mamahalin isinusumpa ko!" -Dylan "Nagustuhan mo ba?" Hindi ako pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kanya, bakit bigla nalang siyang nag-iba? Bakit gumaganda siya sa paningin ko? At bakit.... Bakit Minahal ko siya? Siya ba talaga ang asawa ko?- DYLAN
View MoreC1
3RD POV “Dad! Ayoko pong magpakasal sa kanya!” Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama. Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan. Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata, pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan. “Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko! Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!” “Pero Dad!” “Tumigil ka na Anna! Dapat kang sumunod sa iyong ama! Alam mo kung gaano siya nagsikap, para sa kumpanya natin, tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?” “Paano ko siya pagbigyan Tita? Alam mo naman na masyado pa akong Bata. Isa ka, kaka-graduate ko lang.” “Wala kaming paki-alam! Basta ang gusto namin ang sundin mo.” Napa-upo si Anna, matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya. “Dad…” Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito. “Kung gusto mo pang manatili rito, sumunod ka.” Wika ng kanyang ama, habang humagulgol ng iyak ang dalaga. Alam niyang kahit ano ang gagawin niya ay hindi pa rin makikinig ang kanyang ama sa kanya. Wala rin siyang choice kundi ang sundin ito, dahil ayawn niyang mapalayas. Bukod kasi sa kanyang ama, ay wala na siyang alam na kapamilya nila. Tuwang-tuwa na sinalubong ni Max at Fely si Sandro at Kim. Napatingin naman sa likod si Max, nang hindi niya makita si Dylan. “Tuloy kayo, Kumpadre.” Ngiting wika ni Max, habang giniya sa dining area ang mag-asawa. “Si Dylan?” Tanong ni Fely matapos maka-upo ng kanilang mga bisita. “Nasa labas, ‘wag kayong mag-alala, susunod din ‘yon.” Wika ni Sandro at tinungga ang baso ng wine na binigay sa kanya ng katulong. “Ito na ba si Anna?” Ngiting tanong ni Kim, habang napatingin sa dalaga. Dali-dali naman na lumapit si Fely kay Anna at hinahaplos ang mahaba at itim nitong buhok. “Oo, ‘di ba Kumare, ang ganda ng anak ko?” Matipid na ngumiti si Anna, habang malawak na ngumiti sa kanya si Kim. “Sorry I’m late.” Nakatuon ang atensyon nila sa pagpasok ni Dylan. Kahit si Anna, ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili na mapatitig sa binata, dahil sa angking nitong kakisigan at kagwapuhan. “Umupo ka Hijo.” Wika ni Fely. Napakunot naman ang noon ni Anna, dahil sa ginawa ng Tita niya, pwede naman sana na ang katulong nila ang gumawa nito. “Kailan ang kanilang kasal?” Ngiting wika ni Fely, kaya napatingin sa kanya si Anna. Pero nilakihan lang nito ang kanyang mga mata, kaya mabilis na nagyuko ang dalaga. “Kung kailan niyo gusto, alam niyo naman na walang problema ‘yon sa amin. Isa pa, nakahanda na rin ang anak namin para sa kasal nila ni Anna.” Napatingin si Anna kay Dylan at alam niya na napilitan lang ito. “Kahit sa judge nalang kami magpakasal Dad, ayos na ‘yon sa amin, ‘di ba Anna?” Ngiting wika nito habang mabilis na tumango sa kanya si Anna. Gustuhin man sana ng dalaga na sa simbahan sila magpakasal, ay Wala itong magawa kundi ang maging sunod-sunuran lang sa binata. Matapos ang dinner nila ay niyaya ni Dylan si Anna sa labas. Ayaw sana ni Anna na makipag-usap kay Dylan, dahil alam niya na galit ito sa kanya, pero ang Tita Fely na niya mismo ang nagtulak sa kanya palabas. “Ito ba talaga ang gusto mo?” Mabilis na nagyuko si Anna sa kanyang ulo dahil ayaw nitong tingnan ang galit na mukha ni Dylan. “Alam mong hindi kita mahal!” Sigaw nito, kaya napapitlag ang dalaga. “W-wala akong magagawa… Kailangan kung sumunod sa kanila..” Nanginginig ang boses nito at pinipigilan ang mapa-iyak. “Walang magawa? ‘Wag mo na ngang bilugin ang ulo ko! Alam ko na gusto mo rin na maikasal sa akin!” Sigaw muli ni Dylan habang naka-pamewang ito sa harapan ni Anna. “Bakit hindi nalang ika-.” Natigilan si Anna at muling napapitlag dahil sa muling pag-sigaw ni Dylan sa kanya. “Sa tingin mo ba kaya ko ‘yon?” “Bakit hindi mo kaya? Ikaw naman ang lalaki rito?” “Damn it!! Hindi ko ‘yon magagawa dahil mawawalan ako ng mana, kung hindi ako susunod sa kanila.” Napayuko si Anna, dahil kahit siya, ay walang magawa para pigilan ang kasal nila. “Ayos lang ba kayong dalawa r’yan?” Gulat na napatingin si Dylan ng makita si Fely na papalapit sa kanila. “A-ayos lang kami Tita, ‘wag po kayong mag-alala.” Ngiting wika ni Anna, habang mabilis silang iniwan ni Dylan. “Anong sinabi nun sa ‘yo?” Tanong ni Felya, habang napatingin si Anna kay Dylan na papalayo sa kanila. “W-wala naman Tita, tinatanong niya lang ako sa mga bagay na gusto ko.” Pagsisinungaling ni Anna sa kanya. Malawak naman na napangiti si Fely dahil sa kanyang narinig mula kay Anna. “Siguraduhin mong mapasa ‘yo ang kayamanan niya.” Gulat na napatingin si Anna kay Fely, habang inayos nito ang kanyang buhok. KINABUKASAN ay ikinasal si Anna at Dylan. Wala naman na ibang dumalo kundi pamilya lang nila, dahil ayaw ni Dylan na may ibang makaka-alam sa kasal nila ni Anna. Ayaw din ni Dylan na malaman ng girlfriend niya na kasal na siya. Matapos ang kanilang kasal ay sa condo na ni Dylan tumuloy si Anna. Ito rin kasi ang gusto ng mga magulang niya. “G-gusto mo bang kumain?” Tanong ni Anna kay Dylan ng makapasok sila sa loob. Masama naman na tiningnan ni Dylan si Anna habang napahawak ito sa kanyang noo. “Sa tingin mo, may gana pa akong kumain sa sitwasyon natin ‘to?” Asik nito sa kanya, kaya hindi na napigilan ni Anna ang mapaluha. Hindi niya kasi maiwasan na masaktan dahil sa pinapakita sa kanya ni Dylan. “Nakita mo ba ang pinto ng ‘yan?” Tiningnan ni Anna ang tinuro ni Dylan at tumango. “‘Yan ang magiging kwarto mo, at ito ang tandaan mo. ‘Wag na ‘wag kang pumasok sa kwarto ko. Naintindihan mo?” Mabilis na tumango si Anna at pinunasan ang kanyang pisngi. Hindi naman pinapansin ni Dylan ang pag-iyak ni Anna at basta nalang niya itong iniwan. Ayaw niya kasi itong makita dahil galit na galit Ito sa kanya. Makita niya lang ang mukha ni Anna, ay nasisira na nito ang araw niya, isa pa nitong inalala, kung paano niya sasabihin Kay Britney ang tungkol sa kanila ni Anna.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 133RD POV "Mukhang maayos na ang buhay mo ngayong may asawa kana." Nag-angat siya sa kanyang mukha at napatingin sa kapatid niyang si Clyde. "Kung alam mo lang kung gaano kasaya Kuya." Iling na wika niya, habang hindi maiwasan ni Clyde ang matawa. "Akalain mo 'yon, nagkamali lang siya, dahil lasing tapos naging asawa mo na." Ngiting wika nito, habang umupo sa tapat niya. Tanging ngiti lang din ang iginanti niya rito, dahil ayaw niyang malaman nito ang problema niya. "Ang sabi ni Mommy, wala na kayo sa bahay." Muli siyang napatingin sa kapatid niya, dahil sa narinig niya mula rito. "May binili akong bahay sa probinsya, roon ko siya dinala." Balewala na sagot niya, habang napa-kunot ang noo ni Clyde. "Probinsya? Bakit don?" Taka na tanong nito sa kanya, habang nagkibit balikat lang siya. "Gusto ko sanang mag-pasama sa 'yo, pero 'wag nalang pala." Wika nito habang tumayo. "Saan?" Tanong niya habang tiningnan ito. "Sa ibang bansa, balak kun
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 123RD POV "Kumusta ang tulog ninyong mag-asawa?" Ngiting wika sa kanila ng kanyang ina, habang umupo sila sa tapat nito. "Ayos lang po Tita..." Napatingin ang kanyang ina kay Isla, dahil sa sagot nito. "Hija, hindi ba sinabi ko na sa 'yo na mommy ang itawag mo sa akin." Napangiti si Isla, habang lumingon ito sa kanya. "S-sige po Mommy.." Ngiting wika nito, habang nilagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. "Ang bait mo naman Hija, ang swerte talaga ng Anak ko, dahil ikaw ang naging asawa niya." Hindi napigilan ni Charles na ibagsak ang kutsara na hawak niya, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. Gusto niya sana na sabihin dito na hindi mabait si Isla, dahil ubod ito ng sinungaling. "Akin na palitan ko nalang 'yan." Wika nito, habang nakatingin sa hawak niyang kutsara. "'Wag na." Balewala niyang wika habang nag-umpisa nang kumain."Anak, gusto kung dalhin mo ang asawa mo sa isa sa resort mo," wika sa kanya ng kanyang ina, kaya natigilan
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 113RD POV “Akala ko ba nakalimutan mo ng may asawa kang tao.” Napalingon siya kay Isla, habang nasa sofa ito at galit na tumingin sa kanya. “Asawa?” Ismid na wika niya, habang nailing dito. “Asawa lang kita sa papel, kaya ‘wag kang umasta na asawa kita.” Muling wika niya, habang napansin niyang napahiya ito. “Hindi ko ginusto na maikasal tayo.” Hindi niya napigilan na mapangiti, dahil sa narinig niya ula rito. “Hindi? Pero pumayag ka?” “Alam mong sadyang makapangyarihan kayo Charles! Wala kaming laban sa pamilya mo, lalo na si Daddy!” Natigilan siya, habang napa-kunot ang kanyang noo. "Daddy?" Ulit niyang wika, habang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Hali kana, ipaghain na kita ng pagkain." Wika nito at hahawakan sana siya. Pero mabilis niyang winaksi ang kamay nito. "'Wag mo akong hawakan." Galit na wika niya habang tinalikuran ito. Nang makapasok siya sa silid niya, ay lalo siyang nakaramdam nang inis matapos niyang makita ang mga gami
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 103RD POV "Isla!" Muling tawag ni Charles, habang tiningnan niya ang lahat ng sulok sa bahay. Pero hindi niya pa rin ito makita. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang mga tauhan niya. "Nakita n'yo bang lumabas si Isla?" Tanong niya, matapos sagutin nito ang kanyang tawag. "Hindi po Sir." Sagot ng kanyang tauhan, kaya mabilis nitong binaba ang kanyang phone. Napa-kuyom din ang kamao niya habang lalo pang nakaramdam nang galit kay Isla. 'Kaya mo ba sinabi kagabi na mawawala ka Isla?' Mabilis siyang pumasok sa kotse niya, matapos niyang tawagan ang kanyang tauhan. Binilin niya rito na tawagan siya sa oras na bumalik si Isla. Habang nasa kotse ay napatingin siya sa kanyang phone, nang tumunog ito. "Mom.." Sambit niya, matapos niyang sagutin ang tawag ng kanyang ina. "Nasa'n kana ba Anak? Akala ko ba uuwi ka ngayon?" tanong nito sa kanya. "Pauwi na ako Mommy," balewala na sagot niya, dahil ayaw niya sana na umuwi, dahil gusto niy


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore