CHAPTER 23
3RD POV
“B-bakit dalawa sila?” Tanog ni June, habang bakas sa mukha nito ang pagka-gulat. Mabilis naman na hinila ni Daisy, ang bata at niyakap.
“Bitawan mo ang mga Anak ko.” Madiin na wika ni June, kaya galit niya itong tiningnan.
“Anak? Paano mo naging anak ang mga Anak ko?!” Sigaw niya, habang lalo napakunot ang noo ni June.
“Mga anak mo? Mukhang nagpapatawa ka.” Natatawang wika nito at akmang hahawakan sana ang dalawang bata, pero mabilis na umatras si Daisy.
“’Wag mo akong galitin Daisy!” Galit na sigaw nito.
“Kahit magalit ka pa, wala kang karapatan sa mga Anak ko!” Sigaw niya rito.
“Mga anak? Ako baa ng niloloko mo?” Wika nito, kaya napakunot ang noo niya.
“Kaya kung patunayan sa ‘yo na ako ang ama ng mga bata? Ngayon, sabihin mo sa akin, kung bakit dalawa sila? At paano napunta sa ‘yo ang isang Anak ko?” Nailing sa kanya si Daisy, habang natatawa.
“Ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan.” Madiin na wika niya.
“At ito ang tandaan mo June, ako ang mas may karap