101
3RD POV
Nagising si Aira na wala na si Dylan sa kanyang tabi, kaya agad na siyang nagbihis. Nang makalabas siya ng silid ay roon niya lang napansin na nasa condo pala siya ni Dylan.
Nang makita niya ang kanyang phone ay tinawagan niya agad ang Ate Anna niya. Naalala niya kasi kagabi na ito ang kasama niya na pumunta sa bar.
“Ate..” Sambit niya ng sagutin ni Anna ang kabilang linya.
“Nasaan ka ba Aira? Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng mga anak mo!” Napakunot ang noo niya ng marinig niya ang sinabi ni Anna. Iba kasi ang tuno nito at parang galit.
“Hinahanap? Bakit naman nila ako hahanapin Ate?”
“Aba! Malay ko sa mga anak mo! I text ko nalang sa ‘yo ang location namin ngayon, sumunod ka nalang okay?” Magsasalita pa sana siya. Pero mabilis na pinatay ni Anna ang kabilang linya.
Nang tumunog ang kanyang phone ay mabilis na napakunot ang noo niya nang makita ang address na nilagay ni Anna.
“Anong ginagawa nila sa lugar na ‘to?” Wika niya at mabilis na kinuha ang kanyang sl