23
3RD POV
“Manang!” Sigaw ni Dylan, kaya dali-daling lumapit si Luz sa kanya.
“Bakit hindi mo pinigilan si Anna?”
“S-Sir, ang Sabi po kasi ni Ma'am, nagpaalam na raw siya sa inyo.”
“Damn! Alam mo naman na umalis ako!”
“H-hindi rin po kasi siya magpapapigil Sir..” Mahina na wika ni Luz sa kanya.
Inis na pumasok si Dylan sa room ni Anna at doon niya nakita ang phone nito na nasa min table. Sinubukan niya itong buksan pero hindi ito mabuksan ni Dylan.
Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin bumalik si Anna.
Palagi naman na mainit ang ulo ni Dylan at hindi niya maiwasan na sigawan ang mga tao sa paligid niya, kahit pa konti lang ang mali na nagawa nito.
“Kahit sa labas, ay rinig na ‘yang boses mo.” Iling na wika ni Recca, habang pumasok sa office ni Dylan.
“Paanong hindi ako sisigaw?”
“Dude! Mukhang laging mainit ‘yang ulo mo?” Hindi sumagot si Dylan at nakatuon lang ang atensyon nito sa monitor niya.
“Pwede bang ikaw muna ang pumalit sa akin?” Wika ni Dylan nang mag-angat