308
3RD POV
“Kumusta kana?” Ngising tanong nito sa kanya.
“B-bakit g-ganyan ang mukha mo?” Utal na tanong ni Dell, habang napatitig ito kay Noah.
“Bakit Princess? Hindi ba siya ang Noah, na sinabi mong kumidnap sa ‘yo?” Taka na tanong ni Evo, sa kanya.
“S-siya..” Mahina na wika ni Dell.
“P-pero ‘yong mukha niya noong nakita ko siya, h-hindi ganyan… Naging kamukha niya si Noah Park..” Wika ni Dell, kaya napahawak si Aaron, sa noo niya.
“Alam mo Dell, ang gulo mo. Ang sabi mo siya si Noah, at alam mo bang lahat ng impormasyon niya, ay tiningnan na namin.” Wika ni Aaron.
“Ganito na talaga ang mukha ko Dell, alam mo naman ‘yan ‘di ba?”
“Hindi! Alam kung hindi ganyan ang mukha mo! Kaya tanggalin mo ‘yang salamin mo, at ayusin mo ‘yang sarili mo!”
“Tama na Dell!!” Malakas na sigaw ni Aaron, sa kanya.
“Bro, pwede bang ‘wag mo siyang sigawan!” Inis na saway ni Evo, sa kakambal niya.
“Pwede bang ikaw ang kuma-usap d’yan sa kapatid mo, dahil pati ako, naguguluhan na sa kanya.” Inis n